^

PSN Showbiz

Check-in counter supervisor sa airport nasabon dahil sa kamalditahan ng aktres na nagpumilit sumakay kahit late na

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Imbiyerna talaga ang isang check-in counter su­per­visor ng domestic flight dahil sa isang sikat na aktres. Parang naging bangungot ang nangyari sa kanya. Sabi nga nito, maraming artista ang suma­sakay sa eroplano pero hindi katulad niya ang ka­malditahan.

Ganito ang pangyayari. Okay lang na ma-late ang pasahero ng 30 minutes. Pero hindi ’yung lahat ng pasahero ay nakaupo na.

Ayaw na siyang papasukin dahil masyado na nga siyang late. Nagmaldita ito at sinabing kausap niya ang misis ng may-aring Intsik ng airlines. Pinapayagan siya. “Gusto mo ipatanggal kita?” anang aktres sa supervisor.

Kaya pina-delay ang flight para lang makapasok at makaupo ang aktres. “Dusa ang inabot ko dahil sinabon ako ng mga VIP officials ng airline company,” himutok ng check-in counter supervisor.

Hanggang ngayon ay ayaw na niyang marinig man lang ang pangalan ng aktres dahil sa inasal nito sa airport.

Michelle nag-yoga para makalimutan si Jon

Payag na ma-typecast bilang kontrabida si Michelle Madrigal dahil challenging ang ganitong klase ng role gaya nang gampanan niya sa Kung Aagawin Mo ang Langit.

Matagal-tagal ding nagkaroon sila ng relasyon ni Jon Hall at inaming nag-live-in set up sila. Pero nagkahiwalay din at sinabing may bago nang girlfriend ang aktor. Masakit ito para kay Michelle pero sabi nga niya she has to move on. Mabuti na lang at maganda ang takbo ng kanyang career. Wala na silang communication ngayon ni Jon.

“Malaking tulong ang yoga sa akin lalo na sa aming break-up. Hindi ko naiisip ang sakit na dulot ng aming paghihiwalay. Okay na ang pakiramdam ko ngayon at ayaw ko munang umibig,” sabi ng seksing aktres.

Sa kabilang banda, komportable siyang katra­ba­ho si Mike Tan na leading man niya sa serye dahil hindi sila nagkakailangan kahit may mga love scenes dahil nagkasama na sila sa Captain Barbell.

Magsisimula na ang Kung Aagawin Mo ang La­ngit sa Sept. 19 sa Dramarama sa Hapon ng GMA 7, sa direksiyon nina Jay Altarejos at RJ Nuevas.

vuukle comment

CAPTAIN BARBELL

DAHIL

JAY ALTAREJOS

JON

JON HALL

KUNG AAGAWIN MO

MICHELLE

MICHELLE MADRIGAL

MIKE TAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with