^

PSN Showbiz

Halikan naging dahilan Kris at Diether nagkasira!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay nakitang sweet na sweet sina Kris Aquino at Diether Ocampo sa Kris TV kung saan ay nag-ikot ang dalawa sa weekend market ng Salcedo, Makati City at Mercato Centrale ng The Fort. May eksena pang sinubuan ng pagkain ni Kris si Diether sa nasabing episode kaya naman patuloy pa rin silang tinutukso ng kanilang mga kaibigan.

Pero ang bagong balita ay magkagalit ngayon ang dalawang magkaibigan. Bakit naman kaya mangyayari iyon?

“Kung nagtataka kayo kung bakit, sasagutin ko na. Kasi kung i-friend ko siya, may mga uma­bot sa amin na parang may tsismis na nakita kaming naghahalikan sa isang restaurant. Eh noong time na ’yun na supposedly naghahalikan kami, I was in Bangkok (Thailand). Parang feeling ko, ayaw ko ng gulo sa buhay ko. Ayokong pinag-uusapan ako in that way because honest to God, si Bimby aawayin ako. May takot talaga ako sa kanya (Bimby). Sa kanya talaga ako natakot oh? Huwag na lang, ang iniisip ko, hindi naman ako ’yung nagto-talk about that. Ayaw ko namang sabihin na si Diet din ang nagto-talk about doon dahil hindi.

“So kung hindi na kami friends, eh wala na kaming puwedeng pag-tsismisan. So ’yun lang po ’yun at baka pagmulan pa ng malaking gulo,” makahulugang pahayag ni Kris.

Baby Lucho mahilig agad sa manibela

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakita sa publiko nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanilang anak na si Lucho.

Sa murang gulang ni Lucho ay mayroon nang napapansin si Juday sa kanyang anak. “Malambing talaga to begin with si Lucho saka palatawa. Sumasayaw-sayaw na pero ang sobrang kinakitaan namin siya ng interes sa nga­yong ganito kaaga, manibela. Meron kasing video games si Ryan na drifting, nandoon lang siya sa manibela,” kuwento ni Juday.

Samantala, hindi nakakadalaw ang kanilang anak na si Yohan sa set ng Junior Master Chef dahil nag-aaral ito. “Hindi siya makadalaw kasi ang layo ng set sa bahay and whole day siya sa classes niya pero gusto niya magluto,” dagdag pa ni Juday.

Marvin  balik-ABS-CBN na

Nagbalik sa ABS-CBN si Marvin Agustin dahil ang bagong tayo niyang bar and restaurant ay matatagpuan sa ELJ building ng Kapamilya Network.

Maraming dinarayong Japanese food sa ika-pitong Sumo Sam branch ni Marvin.

Ayon sa aktor, naranasan niya ang lahat ng trabaho sa restaurant bago pa siya naging matagumpay sa pagne-negosyo. “Nag-waiter, janitor, security guard, bartender, lahat, all-around, one-man show. ’Yung mga excuses na hindi kayang gawin, I can’t believe na hindi kayang gawin,” pahayag ni Marvin.

Maliban sa Sumo Sam ay may anim na magkakaibang restaurant pa ang aktor ngayon. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BABY LUCHO

BIMBY

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

JUNIOR MASTER CHEF

KAPAMILYA NETWORK

LUCHO

MARVIN

SUMO SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with