^

PSN Showbiz

Balikan Sharon at Gabby magkasama na sa kuwadra!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Iisa na ang nagha-handle sa careen ng ex cou­ple na sina Megastar Sharon Cuneta and Gabby Concepcion - si Mr. Vic del Rosa­rio ng Viva Group of Companies — kaya malamang na matuloy na ang pelikulang sinasabing pagsasamahan nila.

Pero walang confirmation from Mr. Del Ro­sario kung kailan ‘yun dahil balitang may ga­gawin nang pelikula si Sharon sa Star Cine­ma.

Si Gabby naman ay inunang gawin ang Ded Na Ded Sa ‘Yo under Regal Films with Ruffa Gutierrez na nagsimula nang mag-shooting.

Sa TV naman, si Mega naman ay umeere pa ang programa sa Kapamilya Network na The Biggest Loser habang si Gabby ay mapapanood sa remake ng PS I Love You na pagbibidahan nina AJ Muhlach and Nadine Lustre na mapapanood sa TV5.

Si Gabby ang magpo-portray sa dating character niya sa pelikula noon nila ni Sharon.

Any moment ay magsisimula na ang taping ng PS I Love You.

Magagandang pelikula tinatao!

Linggu-lingo lately ay may ipinalalabas na Tagalog film. At in fairness, kumikita naman kahit papaano. Though meron din naman mabilis nawawala sa sinehan.

Kahit pa sabihing ang iba ay digital film, ginagastusan pa rin ng mga gustong manood.

Kung sabagay, iba kasi ang dating ng pelikula pag may story at ang target market ay may pera. Kasi sa mahal ng sine ngayon, hindi na basta gumagastos ang mga tao sa walang katuturang panoorin. Walang effect ang mga tilian pag may pelikula na ang kanilang mga idolo kung wala talagang kuwento ang pelikula.

Dapat may assurance na maganda ang story at hindi puro kababawan lang. Kahit anong promote mo kung wala namang kuwenta, hindi na sigurado ‘yun kikita.

Anyway, sana nga magtuluy-tuloy ang pagrami ng pelikulang ipinalalabas para mas maging bongga uli ang movie industry.

Ms. Colombia hindi nagpa-panty!

Nangunguna rin si Shamcey Supsup sa online fan voting site ng television network sa US na Telemundo.

Yup, as of 7:00 p.m kagabi, may 1,957,866 votes na si Shamcey na sinusundan ni Ms. Venezuela (1,885,009), Ms. Mexico (1,400,883), Ms. Republica Dominica (1,276,356) at Ms. Ecuador (1,151,094). Pang-anim si Ms. Ecuador, Ms. Nicaragua, Ms. Puerto Rico, Ms. USA, Ms. Tailandia, and Ms. Colombia,

Samantala, tuloy din ang online voting sa official site ng Miss Universe dahil ang mapipili ay may siguradong spot sa naturang beauty contest.

Speaking Ms. Colombia, may issue pala na hindi siya nag-panty sa isang fashion show na nakita ng mga photographer kaya inirereklamo siya.

vuukle comment

BIGGEST LOSER

DED NA DED SA

I LOVE YOU

KAHIT

KAPAMILYA NETWORK

MEGASTAR SHARON CUNETA AND GABBY CONCEPCION

MISS UNIVERSE

MS. COLOMBIA

MS. ECUADOR

SI GABBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with