^

PSN Showbiz

Sen. Bong nakipag-reconcile sa dating 'kaaway'

-

MANILA, Philippines - Buong pagmamalaki at karangalang naka­tindig sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. (kanan) at Cavite Governor Juanito ‘‘Johnvic’’ Remulla Jr. (kaliwa) sa likod ng kanilang mga amang sina dating Senador at kasalukuyang Philip­pine Reclamation Authority Chairman Ramon Revilla Sr. at dating Cavite Governor Juanito ‘‘Johnny’’ Remulla Sr. pagkatapos ng awarding ceremonies ng Gawad Miong na ginanap kamakailan sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay City.

Ang matalik na magkaibigang si Revilla Sr. at Remulla Sr., na minsan na ring nagkahiwalay bunsod sa hindi pagkakaunawaang-pulitikal, ay kapwa ginawaran ng nabanggit na parangal bilang pagkilala sa kanilang ‘di matatawarang paglilingkod sa kanilang mga kababayan at napakalaking kontribusyon sa kaunlarang pang-ekonomiya ng kanilang tinubuang lalawigan. Sa kanilang rekonsilyasyon, nanindigan ang kasalukuyang mambabatas na Revilla at punong-lalawigan na Remulla na sisikaping tumibay pa ang ugnayan nila at ipagpapatuloy ang pamana ng kanilang mga ama bilang mga pundasyon ng Cavite sa makabagong panahon. Ang pangalang Gawad Miong ay hango sa palayaw ng Kabitenyong lider ng himagsikan at kauna-unahang Pangulo ng Republika na si Heneral Emilio Aguinaldo.

vuukle comment

CAVITE GOVERNOR

EMILIO AGUINALDO

GAWAD MIONG

JUANITO

RAMON REVILLA SR

RECLAMATION AUTHORITY CHAIRMAN

REMULLA JR

REMULLA SR.

REVILLA JR.

REVILLA SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with