^

PSN Showbiz

Sobrang yaman na talaga, ipatatayong building ni Angel sisimulan na

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mayaman na talaga si Angel Locsin. Nagkaroon na ng groundbreaking ceremony ang residential/commercial building na ipatatayo niya sa Commonwealth Avenue.

Isa si Angel sa mga napakapraktikal na artista na naghahanda na sa mabilis na paglipas ng panahon.

Ang maganda pa kay Angel, mayroon siyang isang ama na nagga-guide sa kanya. Ito ang nagpapayo sa kanya kung paano niya gagastusin ang mga kinikita niya. Kaya kayong mga artistang nagpapasasa ngayon sa maraming proyekto, mag-ipon din kayo para kapag nawala na kayo, mayroon kayong madudukot. Gayahin n’yo si Angel.

Katawan ni Juday bumalik na sa dating porma

I saw Judy Ann Santos sa TV show ni Kris Aquino at gusto ko siyang batiin dahil tagumpay ang ginagawa niyang pagpapapayat. Talagang kitang-kita ang pagbabalik ng kanyang katawan sa dati nitong porma, nung hindi pa niya ipinapanganak si baby Lucho. Konti pa at talagang seksi na uli siya.

Tiyak na nagbubunyi na ang asawa niyang si Ryan Agoncillo. Sino bang lalaki ang ayaw sa partner na sexy? Pero napakababaw naman nito para pagselosan ni Ryan katulad ng sinasabi ng iba.

Romeo Vasquez Balik-PH

Maraming excited kasama na ang kapwa ko kolumnista rito sa PSN dahil sabi ni Manay Ethel Ramos, nasa bansa raw ang paborito niyang actor na si Romeo Vasquez, tatay ni Liezl Martinez. Nawala ito sa sirkulo dahil namalagi na sa US pero nung kapanahunan niya, napakaguwapo nito at magaling na artista. 

Na-Misinterpret

Baka ma-misinterpret ng tao na humahanga sa mga foreign singers na tulad ni Lady Gaga ang mga binibitiwang pananalita ni Dulce. Huwag nating ipagkait kay Dulce na mag-react sa mga bago at sikat na singer local man o foreign. After all kalahati ng kanyang buhay ay ginugol niya sa showbiz. Kung hindi siya nagagalingan sa ilan sa kanila, karapatan niya ‘yun.

At least sinasabi niya kung ano ang damdamin niya. Hindi naman ibig sabihin ay agree tayong lahat sa kanya.  

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

COMMONWEALTH AVENUE

ETHEL RAMOS

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

LADY GAGA

LIEZL MARTINEZ

NIYA

ROMEO VASQUEZ

ROMEO VASQUEZ BALIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with