^

PSN Showbiz

Katatakutan sa Tumbok nasa video na

-

MANILA, Philippines - Naging epektibo ang mga nakakatakot na eksena ng Tumbok para sa libu-libong nakapanood sa big screen. Ngayon, muling saksihan ang kilabot sa original video nito. Sa direksyon ni Topel Lee, ito ay pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Carlo Aquino.

Ang tumbok ay tumutukoy sa anumang tirahan na nakatayo kung saan nagsasalubong ang tatlong kalsada. Ang sinumang nakatira sa tumbok ay sinasabing lapitin ng malas tulad ng sakit, aksidente, pagkawala ng mga ari-arian, pagkasira ng relasyon, at ang pinakamatinding sumpa sa lahat ay ang malagim na kamatayan. Sa ganitong sitwasyon umiikot ang kuwento nina Grace (Cristine Reyes) at Ronnie (Carlo Aquino) simula nang manirahan sila sa minana nilang condo unit. Maraming kababalaghan at katatakutan ang magaganap sa buhay mag-asawa ng bagong kasal. At dahil dito, buong tapang nilang aalamin ang misteryo na bumabalot sa tinatawag nilang tahanan. 

Mula sa Viva Films, mabibili na ang Tumbok sa VCD at DVD sa mga pangunahing video stores nationwide.

vuukle comment

CARLO AQUINO

CRISTINE REYES

MARAMING

MULA

NGAYON

RONNIE

TOPEL LEE

TUMBOK

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with