^

PSN Showbiz

Maria hindi maalis ang titig kay Piolo

- SEEN SCENE -

SEEN: Napanood na kahapon ang guesting ni Maria Aragon sa ASAP Rocks.

Starstruck si Maria kay Piolo Pascual dahil hindi maalis ang pagkakatitig niya sa aktor.

SCENE: Born This Way ang kinanta nina Maria Aragon at Sarah Geronimo sa kanilang duet sa ASAP Rocks. Kailangan nang mag-aral ni Maria ng ibang kanta dahil nakakasawa na ang paulit-ulit na pagkanta niya sa hit ni Lady Gaga.

SEEN: Tinalo ng Team Kuwait ang Philippine Azkals sa kanilang football match noong Sabado.

Nawalan ng saysay ang wish ni Amanda Coling na manalo ang Team Azkals.

SCENE: Starstruck naman kay Congressman Manny Pacquiao ang mga NBA stars na na-meet niya kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pinapirmahan ni Derrick Rose kay Manny ang kanyang jersey.

SEEN: Tinalo ng NBA Stars ang PBA stars sa huling araw kahapon ng kanilang basketball exhibition game. Ninety-eight ang final score ng NBA Stars at 89 score ang PBA Stars.

SCENE: Malungkot si Rufa Mae Quinto dahil naka-confine uli sa ospital ang kanyang lola na may colon cancer.

SEEN: Nakasimangot si Barbie Forteza sa billboard niya sa Commonwealth Avenue.

Hindi maeengganyo ang mga tao na bilhin ang produkto na kanyang iniendorso.

SCENE: Ibabalik ng TV5 ang Babaeng Hampaslupa at mapapanood ito ngayong hapon, mula Lunes hanggang Biyernes. 

Ang Babaeng Hampaslupa ang successful drama series ng Kapatid network.

vuukle comment

AMANDA COLING

ANG BABAENG HAMPASLUPA

BABAENG HAMPASLUPA

BARBIE FORTEZA

BORN THIS WAY

COMMONWEALTH AVENUE

DERRICK ROSE

LADY GAGA

MARIA ARAGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with