^

PSN Showbiz

Regal Films mga kapatid ang bagong alaga

-

Manila, Philippines - Suwerte ang mga promising stars ng TV5 na sina Ritz Azul, Eula Caballero, Morissette Amon at Jazz Ocampo dahil sila ang pinakabagong batch ng Regal babies ni Mother Lily Monteverde. Naganap ang contract signing last June 30 sa Century Imperial Hotel sa Quezon City.

Winner talaga ang beauty ni Ritz dahil pagkatapos niyang magbida sa serye ng Mga Nagbabagang Bulaklak, pasok na kaagad siya sa cast ng Yesterday, Today and Tomorrow, co-production ng Studio5 at Regal. Si Ritz, 3rd runner up sa Star Factor, ay isang commercial model din.

“Masayang-masaya kami sa tiwala na ibinigay sa amin ng Regal,” sabi ni Ritz. “Makakaasa kayo na gagawin namin ang lahat para masuklian ang pagtitiwalang ito.”

Masaya rin ang Star Factor winner na si Eula sa pagkakataong ito na gumawa ng pelikula. Nagbida na siya sa isang episode ng LuvCrazy at parte rin siya ng Bagets ng TV5.

Young diva naman talaga si Morissette sa ganda ng kanyang boses. Sa sobrang ganda ng boses niya, nakuha niya ang 1st runner-up title sa Star Factor. Katatapos lang niyang mag-record ng kanyang album, na malapit na rin lumabas.

Bongga din naman talaga ang kagandahan ni Jazz, Star Factor finalist, kaya naman kasama siya sa cast ng bagong series na Bagwis.

Kasama sina Ritz, Eula, Morissette, at Jazz sa Hey, It’s Saberday at mina-manage ng Talent5.

vuukle comment

CENTURY IMPERIAL HOTEL

EULA

EULA CABALLERO

JAZZ OCAMPO

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

MORISSETTE

MORISSETTE AMON

MOTHER LILY MONTEVERDE

QUEZON CITY

STAR FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with