^

PSN Showbiz

Mga pagbabago sa buhay tampok sa Life and Style

-

Manila, Philippines - Tutok lang sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas-onse ng umaga para sa isang bonggang pagtatanghal tungkol sa mga pagbabago sa buhay ng ilang taong tampok sa progra­mang napapanood sa GMA News Channel at prodyus ng ScriptoVision.

Unang panauhing magsasalaysay ng malaking kaibahan ng buhay nung kasapi pa ng research team ng programang Reporters Notebook hanggang makoronahan bilang Ms. Philippines-Earth 2011 ay si Athena Mae Imperial. Kahit naging Reyna na siya ng Kagandaha’y sinabi niyang, “Matapos kong i-represent ang Pilipinas sa Ms. Earth pageant ay babalikan ko ang aking trabaho sa GMA 7. Mara­ming responsibilidad ang kakabit ng titulong Ms. Philippines-Earth pero ang maging researcher ay isa ring responsibilidad sa publikong manonood.

Ipinagdarasal ni Eva Castillo ang happiness at success ni Regine Velasquez na nung kabataan nila’y madalas niyang makasama sa mga singing contest. Mas sinuwerte si Regine at naghirap si Eva. Nang gumawa ng isang special si RV ay ipinahanap niya si EC para maka-duet niya. “Ito na ang nagbukas ng pinto para ako makabalik sa daigdig ng musika. Si Regine ang tila fairy godmother ko, talaga,” sey ng belter na si Eva.

May seminar ding Be An Achiever na ipakikita na ang adhikai’y mabago ang buhay sa pamamagitan ng positive thinking, meditation at pag-aaral kung anu-ano ng ’yong kahinaan para maiwasan ang kabiguan. 

May testimonial ang mga dumalo sa Gandang Seminar at estudyante ng Ricky Reyes Learning Institute na umani ng tagumpay sa kanilang propes­yon matapos ang mga natutuhan mula kay Mader RR at kanyang mga bihasang tauhan sa larangan ng pagpapaganda.

vuukle comment

ATHENA MAE IMPERIAL

BE AN ACHIEVER

EVA

EVA CASTILLO

GANDANG RICKY REYES

GANDANG SEMINAR

LIFE AND STYLE

MS. EARTH

MS. PHILIPPINES-EARTH

NEWS CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with