^

PSN Showbiz

Sikat na aktres grabe kung magmura sa alalay

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hindi mo sukat akalain na ang maganda at sikat na aktres ay marunong din palang magmura. Nangyari ito nang makalimutan ng alalay ang isang damit na isusuot sa taping ng aktres.

Dinuru-duro ng aktres ang bading na alalay at umalagwa ang malulutong na mura. Masamang-masama ang loob ng alalay na lumabas na lang ng dressing room ng kanyang amo.

Ayon sa alalay, mabait naman ang aktres kaya lang kapag nagalit na asa­hang magpapakawala ito ng malulutong na mura.

Anti-film piracy balak isama sa curriculum

Makikipagpulong si OMB chair Ronnie Rickets kay DILG Secretary Jesse M. Robredo para mas mapalawak pa ang kampanya ng pamimirata. Particular na gusto nilang sugpuin ang mga buses na nagpapalabas ng pirated tapes laluna na dun sa bumibiyahe sa probinsiya.

Nakikipag-coordinate rin si Chair Ricketts kay Manila Mayor Alfredo Lim para linisin ang Quiapo laban sa pagbebenta ng mga pirated disc copies.

Nirerekomenda rin sa mga isinasagawang forum na sana ay isali sa school curriculum ang anti-film piracy lalo na sa high school at college at i-integrate sa ibang subject gaya ng Good Manners and Right Conduct, Social Studies, at iba pa.

Aktibo rin sa kanyang educational campaign si Chair Ricketts na dumarayo pa sa mga eskuwelahan sa Kamaynilaan at iba’t ibang panig ng lalawigan.

Mga alaga ni Annabelle, gumagaling ang acting

Malaki ang improvement sa acting ng ilang alaga ni Annabelle Rama na sina Arci Muñoz at Carla Humphries na napapanood sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

Hindi lang ganda ang kanilang puhunan kundi ang talento rin sa aktingan. Kuntento naman sina Arci at Carla sa ganda ng takbo ng career nila sa TV5.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARCI MU

CARLA HUMPHRIES

CHAIR RICKETTS

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

RONNIE RICKETS

SECRETARY JESSE M

SOCIAL STUDIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with