^

PSN Showbiz

Duwag naman kay Annabelle Rama, nanay ni Heart si Marian lang ang kayang awayin!

- SEEN SCENE -

Seen : Kakasuhan si Alex Crisano ng barangay tanod ng isang village sa Mandaluyong City. Inireklamo ni Mario Bidar na nagalusan siya sa ilalim ng mga mata dahil sa daliri ni Crisano na idiniin sa kanyang mukha. Nagalit si Crisano kay Bidar dahil pinuna nito na nakaharang sa kalye ang taksi na sinasakyan nila ng kanyang girlfriend.

Scene : Nagkakaroon ng image na palaaway si Angelica Panganiban dahil sa pakikipag-away niya sa kapwa artista at pakikisawsaw sa mga isyu na hindi kailangan ang kanyang opinyon.

Seen : Kulang ang facial expression ni Diether Ocampo sa dramatic scenes niya sa Guns and Roses. Hindi kumukulubot ang kanyang noo.  

Scene : Ngayong gabi ang pagwawakas ng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Ginanap sa Metro Bar noong Miyerkules ang farewell party ng cast ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

Seen : Ang denial ni Toni Gonzaga sa balita na secretly married na sila ng kanyang boyfriend na si Paul Soriano. Parang sinadya na ilabas ang balita upang mapagtakpan ang negative impression na tsismosa siya dahil ito ang nagkumpirma na hiwalay na sina John Prats at Rachelle Ann Go.

Scene : Si Marian Rivera lang ang kayang patulan ng nanay ni Heart Evangelista dahil hindi niya pinatulan ang mga pagtataray sa kanya noon ni Annabelle Rama.

Seen : May sleep apnea si Paolo Bediones. Isang sleeping disorder ang sleep apnea at nagkaroon din noon ng ganitong karamdaman si Edu Manzano.

Scene : Ngayong gabi ang concert ni Miley Cyrus sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Hindi gaanong maingay ang concert ni Miley dahil lipas na ang kasikatan niya sa mga Pilipino.

vuukle comment

ALEX CRISANO

ANGELICA PANGANIBAN

ANNABELLE RAMA

CRISANO

DIETHER OCAMPO

EDU MANZANO

GUNS AND ROSES

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with