^

PSN Showbiz

Riza may nabago sa hitsura

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kasali ako sa listahan ng mga principal sponsors sa renewal of vows kahapon nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado pero hindi na ako nagpunta sa simbahan dahil may conflict ito sa Startalk.

Tinapos ko muna ang Startalk bago ako sumunod sa reception na ginanap sa Harbour Tent ng Sofitel Philippine Plaza.

Sure ako na hindi magtatampo sina Lani at Bong sa non-appearance ko sa simbahan dahil maiintindihan nila ang desisyon ko. Sanay na sila sa akin!

Parang may nagbago sa mukha ni Riza Santos, ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na naging contract star ng Viva Films pero biglang nag-babu sa Pilipinas.

Sumali si Riza sa Miss Canada at siya ang nag-win ng Miss World-Canada title. Ang ibig sabihin, si Riza ang pambato ng Canada sa Miss World pageant.

Naging cover girl noon si Riza ng FHM Philippines pero hindi naman yata ito nakaapekto sa pagsali niya sa beauty contest sa Canada dahil nag-win pa siya ng beauty title.

’Yun nga lang, parang may nagbago sa kanyang face dahil iba na ang hitsura niya kesa noong nag-aartista pa lamang siya sa Pilipinas.

Pumayat lang ba si Riza o meron siyang dapat ipagpasalamat sa doktor? Hindi baguhan si Riza sa pagsali sa mga beauty contests dahil nag-join na rin siya noon sa Miss Earth pageant.

Siya ang nag-represent sa Canada pero mga special awards lamang ang kanyang natanggap.

Na-link noon si Riza kay Mark Bautista pero idinenay niya na nagkaroon sila ng relasyon ng singer-actor.

Ewan ko lang kung aaminin ni Mark na na-hurt siya sa ginawang pagde-deny ni Riza sa kanilang special friendship.

Ibig sabihin, dalawang Pinay ang maglalaban sa Miss World contest na gaganapin sa London sa Nov. 8.

Si Riza ang isang Pinay at naghahanap pa si Cory Quirino sa magiging representative ng ating bansa sa Miss World.

Two months from now, malalaman natin ang mapalad na babae na makakalaban ni Riza sa Miss World contest dahil sa July 30 ang coronation night ng Miss World-Philippines.

Si Cory na ang may hawak ng franchise ng Miss World contest sa Pilipinas dahil hindi na nag-renew ng kontrata sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) si Julia Morley, ang big boss ng Miss World Organization.

Runner-up si Ruffa Gutierrez sa Miss World contest noong 1993 at kahit hindi na hawak ng BPCI ang beauty contest ng Miss World Organization, marami ang umaasa na siya ang kukunin na host ng pageant night ng Miss World-Philippines sa July 30.

Mapapanood sa GMA 7 ang pageant night ng Miss World-Philippines at kahit identified si Ruffa sa TV5, pinapayagan siya na lumabas sa ibang TV network. 

vuukle comment

BONG REVILLA

MISS

MISS WORLD

MISS WORLD ORGANIZATION

MISS WORLD-PHILIPPINES

PILIPINAS

RIZA

SIYA

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with