^

PSN Showbiz

Jennylyn nabaitan sa buong pamilya ni Luis

- Veronica R. Samio -

Aakalain mo ba na sa dinami-dami at walang katapusang pagdi-deny ni Luis Manzano na merong namamagitan sa kanilang relasyon ni Jennylyn Mercado bukod sa kanilang pagiging kapwa follower ng jujitsu ay lumabas din ang katotohanan mismo sa bibig ni Jennylyn. Naipakilala na ang aktres ng aktor sa kanyang pamilya at maging sa kanyang inang si Gov. Vilma Santos.

Kung sabagay, hindi lamang naman si Jennylyn kundi maging ang Lucky ng Star For All Seasons ay umamin na rin sa kanilang “relasyon” ng ex ni Dennis Trillo sa kanyang showbiz program.

“Mabait ang kanyang pamilya, tulad din ni Luis na ipinagtanggol ako sa mga isyu na lumalabas tungkol sa akin,” ang sabi ng aktres who proved sa ginawa niyang pagsasalita na hindi sila stranger sa isa’t isa ni Luis.

Gano’n pa man inamin din naman niya na, “Hindi pa ako handa sa bagong relasyon. Sapat na ’yung may isa pa akong kaibigan na nariyan lamang para sa akin.”

* * *

Isa sa pinaka-refreshing at nakatutuwang showbiz news ngayon ay ang pangyayaring matapos ang mahabang taon ng paghihintay ay na­bigyan din si Zsa Zsa Padilla ng annulment from her husband Dr. Modesto Tatlonghari, ama ng kanyang anak na si Karylle.

Lahat ng may kinalaman sa kaso, kasama na ang kanyang dating asawa, ay masaya sa naging kaganapan ng kaso na ilang taon ding tumakbo sa korte at halos sinukuan na nila.

Disyembre pa ng 2010 ay nalaman na nila  na mabibigyan na ng annulment si Zsa Zsa, araw na lamang ang hinihintay, pero nito lamang nakaraang araw ito nabigyan ng finality at naging pormal na naglalagay sa singer-actress sa estadong single and available. Will Dolphy finally take his cue and marry the very first woman na ginusto niyang maging asawa at hinintay niya ng maraming taon para maging dalagang muli?

Muntik na silang magpakasal nung early 2000 hindi nga lang natuloy dahil hindi bumaba ang annulment. Nagsimula na sila ni Dolphy na paghandaan ang kanilang kasal at may mga imbitasyon nang ginawa na ngayon ay nakatago pa rin kay Zsa Zsa pero kailangan niyang palitan ng petsa para magamit niya. Unique nga at magiging kakaiba ang imbitasyon kapag ginamit nilang muli because it will show na talagang gusto nilang magpakasal noon pa. Ewan lang kung ang mga taong kasali noon ay available pa rin hanggang ngayon.

Sinabi ni Zsa Zsa na ngumiti lamang si Dolphy nang malaman na annulled na siya pero siya ay napaiyak habang ang mga anak nila ay tuwang-tuwa sa balita. Ngayon, hinihintay ng buong local showbiz ang kasal na tinatayang magiging Wedding of the Century.

* * *

Sigurado akong hindi n’yo pa kilala si Teejay Marquez. The name may not ring a bell except that his surname is common in showbiz. Baka isipin n’yo pang mula siya sa angkang sinimulang ipakilala ni Direk Artemio Marquez at ipinagpatuloy hanggang ngayon ng anak niyang si Joey at apong sina Je­remy at Winwyn.

Hindi lang kayo aware pero kasama siya sa Tween Hearts at Blusang Itim. Kasali siya sa mga programang ito para sa mga bagets ng GMA 7. Isa rin siya sa mga bagets na co-host ni German Moreno sa Walang Tulugan with Master Showman.

May nauna nang sumikat sa kanya tulad nina Jake Vargas, isa ring Tween Heart member, Aki ng XLR8 at kinuha na ng Kapatid Network, at Mico Aytona na katatapos lamang mapanood sa Dwarfina. Pa­ngarap ni Teejay na sumikat ding katulad nila at sa itinatakbo ng kanyang karera ngayon, hindi ito malayong mangyari.

Itinuturing na isa sa pinakabagong heartthrob sa Kapuso Network, bukod sa pag-arte ay isa pa ring talent ng baguhang ito ang pagsasayaw. Hinangaan ang talent niyang ito sa kanyang first live public appearance sa Area 05 Supper Club & Concert Hall na matatagpuan sa Morato, Quezon City kamakailan. Para sa isang baguhan, SRO ang lugar, napuno ng kanyang dumaraming fans, family members, friends, and fellow artists.

Mabilis ang paglobo ng kanyang fan base. Mahigit 15 thousand na ang kanyang kaibigan sa Facebook. Meron din siyang Twitter account na sinusubaybayan ng kanyang mga Teejaynatics, isang fan group niya na palihim na binuo nila at sinabi lamang sa kanya nang buo na ito. Ito ang mahigpit na sumusubaybay sa kanyang showbiz activities at sumusuporta sa lahat niyang proyekto.

vuukle comment

ARTEMIO MARQUEZ

BLUSANG ITIM

CONCERT HALL

DOLPHY

ISA

KANYANG

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with