^

PSN Showbiz

Mo Twister sinisi ang Twitter sa pagkawala ni Rhian

- Veronica R. Samio -

Ngayon ay panay ang sisi ni Mo Twister sa Twitter, kung hindi siya nagpadala sa simbuyo ng kanyang damdamin at agad nagalit nang mabasa niya ang diumano’y tweet ng kanyang girlfriend na si Rhian Ramos, hindi sana hahantong sa hiwalayan ang kanilang isang taong relasyon. Ngayon ni tawagan ito ay hindi niya magawa, bago na ang number nito na ipinalalagay niya ay nanga­ngahulugan lamang na ayaw nitong makipag-usap sa kanya. Hindi rin niya ito mapuntahan ng bahay dahil baka hindi siya welcome sa young actress at maging sa pamilya nito.

Hindi naman niya ipinagkakaila na hindi boto sa kanya ang ina ni Rhian. Pero anya ay hindi naman ito naging dahilan para hindi niya madalaw ang girlfriend niya sa bahay nito. Hindi naman siya pinagbabawalang pumunta sa bahay nila Rhian at tinatanggap naman siya ng maayos kapag ginagawa niya ito.

Simula nang maganap ang palitan nila ng tweet ni Rhian na nauwi sa kanilang hiwalayan ay hindi na napalagay si Mo.

Palagi na lamang siyang umiiyak sa madilim niyang kuwarto. Ni kumain ay hindi niya magawa. Gustung-gusto niyang makausap ito para makapag-sorry siya pero wala siyang means. Puwede siyang mag-e mail dito pero hindi niya ginagawa. Takot siya na baka katulad ng telepono ay hindi siya sagutin ni Rhian.

And he cannot contemplate a life without her. Sising-sisi siya sa mga itinuweet niya na ipinaliliwanag niya ay bunga lamang ng galit at pagkabigla.

“I never meant to hurt her. Nor do I want to tarnish her image. I’ve been told that I gave people the impression that we’re living in but it’s not true. She’s not the type to do this. The things I said in my Twitter were all outpourings of my heart,” paliwanag niya matapos siyang pumayag pa-interview sa Paparazzi tackling the issue between him and Rhian, for the last time.

ANAK NI RUFFA GUSTO NANG MAG-ARTISTA

May kasamang amusement ang pagkaka-ban muli ng billboard ni Ruffa Gutierrez sa Filinvest (Alabang).

 “Ano ba, sobra na ba ako ka-sexy kung kaya pati sa Filinvest hindi na rin pumayag na mailagay ang billboard ko for Belo? Nung una sa airport, ngayon sa Filinvest naman. I think the pictures naman were artistically done, maganda naman at hindi masagwa pero, bakit ayaw nilang ipalagay?,” tanong ng napaka-ganda pa ring babae kahit may dalawa na itong anak na babae na siyang source ng kanyang happiness.

‘Yung bunsong si Venice ay nagsisimula nang magpamalas ng talent, kinantahan siya nito sa Paparazzi nung Linggo para sa Mother’s Day.

 “Huwag muna sanang mag-artista, makatapos muna sana ng pag-aaral,” ang hiling niya.

Kabata-bata pa

Bunsong anak ni Gov. Vi nag-uuwi na ng babae

Mukhang hindi na mapipigilan ni Gob. Vilma Santos ang pag-aartista ng kanyang anak na si Ryan Christian. Palagi na itong na­pi-feature sa TV at favorable naman sa pag-aartista ang sagot niya sa pa­ngungulit sa kanya ng press. Ba­gaman at supportive ang kanyang ina, mas gusto nito na magtapos muna ang anak ng pag-aaral bago ito mag-artista, o kung anuman ang gustuhin niya dahil bukod sa pag-aartista ay nahihilig din si Ryan Christian sa pulitika, na hindi rin tinututulan ng kanyang ina for all seasons.

Sa kabila ng kabataan ni Ryan, nagdadala na ito ng kanyang mga kaibigang babae sa bahay nila.

Mas okay na ito kay Vi dahil gusto niyang ma­kilala ang kaibigan ng kan­yang mga anak.

Pero ang mga girlfriends ni Ryan na dina­dala nito sa bahay nila ay tanggap niyang mga ta­lagang kaibigan lamang. Ryan is too young para magseryoso na sa baba­e, but she encourages ang pakikipagkaibigan ni­to sa opposite sex.

“Mabait siyang bata, nakikinig sa pangaral. Kakayanin ko uli ang mahirap na pagbubuntis ko sa kanya kung bibigyan uli ako ng Diyos ng marami pang Ryan Christian,” sabi ni Vi.

Samantala, malakas ang bulung-bulungan na magiging isa nang Kapatid ang gobernadora. After Aga Muhlach, siya ang susunod na recruit ng TV5?

Mga kasama sa hyy nagmumukhang bansot kay Bianca

May bago sanang serye si Bianca Manalo ma­ka­tapos ang Juanita Banana pero na-hold muna dahil nakasama siya sa Happy Yipee Yehey. Okay na­man sa kanya dahil nagi-enjoy pa siya sa kanyang stint sa na­sabing noontime show.

Matutuloy na ang serye pero hindi siya maaalis bilang isa sa mga host ng HYY.

Marami ang nagtataka kung bakit ang isang kasing ganda niyang babae ay zero ang lovelife, walang suitor. May nakilala siyang lalaki sa Boracay na nagpakilala sa kanyang isang Ital­ya­no na nagbaba­kasyon la­mang dito.

“Napaka-sinu­nga­ling niya! Sabi niya napapanood niya ang Juanita Banana sa Italy, kes­yo hindi siya marunong mag-Tagalog. ‘Yun pala, natuklasan ko dito pala siya nag-aaral sa Manila at marunong siyang mag-Tagalog hah! Feeling ko, gusto lang mag-artista kaya nakikisakay,” sabing may paghihinayang ng former beauty queen dahil ang daming nagsasabi na bagay sila ng Italyano, kung totoo ngang Italyano ito.

Samantala napansin ko nang manood ako ng personal ng HYY sa loob ng istudyo ng ABS-CBN na habang ang lahat ng mga babeng host ng show ay nakasuot nang nagtataasang sapatos, si Bianca ay naka-flat shoes lamang.

 “Puwede sa opening lang pero pagkatapos nun flats na lang dahil nagmumukhang maliliit ang mga kasama ko,” paliwanag niya. 

vuukle comment

FILINVEST

KANYANG

NIYA

RHIAN

RYAN CHRISTIAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with