^

PSN Showbiz

Mag-inang baguhan sa showbiz supalpal sa manager

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Napahiya ang baguhang young star at ang parents nito dahil akala’y sila ang kakampihan ng manager ng bagets at producer ng ginagawa nitong TV show. Pinagalitan ang bagets ng director ng TV show dahil pasaway at hindi nakikinig sa mga instructions, kaya inaabot ng ilang takes ang mga eksena.

Ayun, agad nagsumbong ang bagets at ina nito sa manager ng bagets dahil sinermunan ang bata, laking gulat ng mag-ina nang sila pa ang pagalitan ng kanilang manager at kampihan ang director.

Akala yata ng mag-ina dahil kilalang singer ang ama ng bagets at galing sa pamilya ng mga artista ay sila ang kakampihan ng talent manager. Baka magulat pa ang mag-ina kung biglang maalis sa cast ang baguhan dahil sa nasabing show na malapit nang umere, ang director ang nasusunod.

* * *

Hindi na pala kasali sa cast ng Amaya si Rocky Salumbides at mabuti na lang kahit last minute siyang inalis, may nahanap agad ang GMA 7 na ipapalit sa kanya at ito’y si Dion Ignacio.

Hindi alam kung ano ang naging problema kay Rocky at kung nag-back out ba siya o inalis sa cast dahil wala pang nagsasalita. Tumawag kami sa manager nitong si Ricky Gallardo para itanong ang tungkol dito pero hindi ito sumagot. 

* * *

May connection pa rin pala sina Bianca King at ang ex niyang si Champ Lui-Pio (o baka nagka­ba­likan ang dalawa) dahil ang actress-director ang kinuha ni Champ na magdirek ng music video ni Somedaydreamer entitled Hey Daydreamer na ang Mecca Music ni Champ ang owner.

Ipinakita ni Bianca sa press na dumalaw sa taping ng Captain Barbell ang music video, her third directorial project at kahit sinabi nitong limitado ang budget ay lumabas na maganda. Sa basement ng bahay nina Victor Consunji at Maggie Wilson kinunan ang music video at kapareha ni Somedaydreamer si Jasmine Curtis- Smith.

Si Rhian Ramos ang stylist ng music video shoot at matagal na pala nitong dream na maging stylist dahil hilig ang designing and sketching. Walang reklamo ang ex ni Mo Twister kahit 20 talents ang inayusan.

Samantala, June next year na pala papasok si Bianca sa University of Southern California para mag-enroll ng cinematography. Tapos na siya ng filmmaking at isusunod ang cinematography dahil dream nitong maging director ng commercial. Magli-leave sa showbiz si Bianca habang nag-aaral sa California.

Ibinalita rin nitong wala na siya kay Arnold Vegafria at ang ICONS na isa si Atty. Bebong Muñoz ang may-ari na ang manager niya.

Sa launching ng music video, nagkita sina Bebong at Jolina Magdangal at BF nitong si Marc Escueta dahil inimbita ang dalawa.

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

BEBONG MU

BIANCA

BIANCA KING

CAPTAIN BARBELL

CHAMP LUI-PIO

DAHIL

DION IGNACIO

HEY DAYDREAMER

JASMINE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with