^

PSN Showbiz

Jericho tahimik sa ginawang Hollywood film

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nasa USA pa rin si Jericho Rosales para sa screening ng kanyang indie movie na Subject: I Love You, isa sa mga entries para sa Newport Film Festival, na ginanap nung April 30. Mapapanood muli ito bukas, Mayo 4.

Nakasama ni Echo sa screening ng movie si Briana Evigan, leading lady sa movie na Step Up 2 na leading lady din niya sa Subject... Pero andun din at sumuporta sa kanya sina Gary Valenciano, Dante Basco, Apl.de.Ap, Francis dela Torre, at staff ng Radiant Studios. Ang Subject: I Love You ay isang Hollywood movie na ginawa rito sa Pilipinas.

Aba Echo, kapag ganyang may malaki kang project, ipagyabang mo naman. Huwag mong ipaglihim.

Bea hindi naiinip para sumikat

Hindi mo hihinalain na 13 years old lang si Bea Binene. Parang dalaga na kasi siyang kumilos at mag-ayos sa katawan. Kaya naman pala she’s taking her time, hindi nagpapamalas ng pagkainip kung kailan din siya ilulunsad to full stardom ng GMA 7 tulad nina Louise delos Reyes at Kylie Padilla.

Pero sa totoo lang, hinog na para magbida rin si Bea. Paano naman kasi matagal na niyang inihanda ang kanyang sarili. Pagkakataon na lang ang kulang. Among the Tweenhearts Babies, pinaka-maaasahan siya sa kabila ng pangyayaring pinakabata siya. Kahit mas matanda si Jake Vargas sa kanya, hindi sila alangan bilang magkapareha. 

Luis buradung-burado na sa puso ni Angel

Ayaw kong maniwalang hindi pa “on” sina Angel Locsin at Phil Younghusband.

Bukod sa napapadalas na ang date nila ay magkasama pa silang nag-spend ng Holy Week sa Hong Kong. Hindi man sila magkasamang umalis pero sumunod ang Azkals player sa aktres. Birthday kasi ni Angel kaya join sa kanya si Phil at binigyan siya nito ng isang mamahaling bag.

 Aba, whirlwind yata ang courtship ng dalawa. Sila na agad? Keri mo ba ’yan, Luis Manzano? Siguro dapat maghanap ka na lang ng ibang maliligawan, mukhang wala ka na sa puso ni Angel.

vuukle comment

ABA ECHO

ANGEL LOCSIN

BEA

BEA BINENE

BRIANA EVIGAN

DANTE BASCO

GARY VALENCIANO

HOLY WEEK

HONG KONG

I LOVE YOU

JAKE VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with