^

PSN Showbiz

Ginawang project pinauulit, magaling na aktor walang chemistry sa leading lady

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May show na si Dingdong Dantes pagkatapos ng I Heart You Pare, hindi nga lang siya aarte, kundi balik sa pagho-host dahil siya ang napili ng GMA 7 na mag-host ng The Protégé, ang bagong talent search ng network.

Si Michael V ay mananatiling Kapuso at kare-renew lang nito ng kontrata  bago magbakasyon sa States. Sa June na ang balik nito sa bansa.

Kapalit ng Magic Palayok ang afternoon soap na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado, pero bago ‘yun, maggi-guest muna siya sa Captain Barbell.

Ang karakter nito ang kukuha kay Lelay (Jillian Ward) kay Teng (Richard Gutierrez).

Binili ng GMA 7 ang rights ng Korean novela na Temptation of Wife  at gagawan nila ito ng Pinoy version next year.

Abangan daw kung sino ang mga magbibida rito.

* * *

Natawa sa halip na sumagot ang magaling na actor nang tanungin kung totoong magre-reshoot ng ilang eksena sa bago niyang project dahil nang reb­yuhin, hindi sila kinakitaan ng chemistry ng leading lady, eh, ang tambalan pa naman nila ang isa sa selling point ng project.

Hindi rin nito sinagot kung totoong nagbaba­nga­yan sila sa set ng kapareha, pero sa harap ng press, super bati sila at parang close na close.

Hopefully, sa re-shoot nang pinagtambalan nilang project ay lumabas na ang kanilang chemistry na kung bakit naman nagtatago.

* * *

Masayang nag-tweet si Louise delos Reyes na last Friday, pumunta na sila sa Mitsubishi para bumili ng Montero na ang alam niyang presyo ay P1.2 million. “Dream come true,” tweet ng young actress dahil finally, may sarili na siyang sasakyan na galing sa talent fee ng Alakdana  na malapit nang magtapos.

Special kay Louise ang Alakdana dahil first lead role niya at nag-rate pa, kaya inuwi niya at ginawang remembrance ang ginamit na buntot ng alakdan.

Samantala, hindi man sila nagkaliwanagan ng isa sa kapareha niyang si Alden Richards, naging friends naman sila at makaka-love team sa next projects niya.

Si Enzo Pineda ang special someone ni Louise na hindi pa niya boyfriend, pero pinatungkulan niya ng tweet na “I miss you” dahil nasa Las Vegas ito. 

vuukle comment

ALAKDANA

ALDEN RICHARDS

CAPTAIN BARBELL

DINGDONG DANTES

ENZO PINEDA

I HEART YOU PARE

JENNYLYN MERCADO

JILLIAN WARD

LAS VEGAS

MAGIC PALAYOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with