^

PSN Showbiz

Richard may non-showbiz girl na ka-date, Solenn si Michael Copon ang kasama!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Kapansin-pansin ang pagtaba ni Regine Velasquez at marami rin itong pimples nang umapir sa Party Pilipinas nung nakaraang Linggo.

Pero tungkol pa rin sa kanyang kalusugan ang announcement nila kaya pormal itong nagpaalam sa I Heart You Pare.

Nagpapasalamat ang mag-asawa sa GMA 7 dahil sa suportang ibinigay sa kanila lalo na kay Regine na naintindihan ang kalagayan niya ngayon.

Medyo emotional si Regine nang magpaalam sa I Heart You Pare dahil naging close na siya sa buong cast at staff pero payo na nga sa kanya ng doktor na magpahinga na muna dahil sa nagiging masakitin na ito.

Ikinuwento ni Ogie na siya mismo ang pumili kay Iza Calzado na pumalit kay Regine sa I Heart You Pare.

Kaya nagpapasalamat ito kay Iza na tinanggap ang mapanghamong role na ’yun.

PAK : Maraming bading ang nairita o maaaring naiinggit sa kilalang showbiz reporter na ito na kasali sa isang indie film tungkol sa kuwentong kaba­dingan.

Ang eksena, itong si bading na reporter ay kahadahan ang isang baguhang aktor na nanggaling sa isang bikini contest.

Pinaghubad si aktor na palibhasa baguhan pa lang kaya nahiya itong tumang­gi nang pinaghubo’t hubad siya ng direktor.

Naloka si reporter nang makita ang ipinagmamalaki ng baguhang aktor at hindi ito nakapagpigil, tinotoo nito ang pagsubo.

Pagkatapos ng take, umiyak ang baguhang aktor dahil hindi na niya napigilan si reporter na nag-enjoy sa pagsubo nito.

Kung anik-anik na pang-eeklay ang ginawa ni reporter para hindi na magreklamo ang baguhang aktor.

Palibhasa nga ay baguhan, napaniwala niya ito. Ngayon ay madalas nang karay-karay ni bading na reporter itong si baguhang aktor.

BOOM : Isa sa mga sidelights na napansin ng karamihan sa concert ni Bruno Mars nung nakaraang Biyernes ay ang magandang non-showbiz girl na kasama raw ni Richard Gutierrez.

’Yun ang ka-date ng aktor nung gabi sa concert pero nandun din si Solenn Heussaff na ka-date naman ni Michael Copon sa after-concert party.

Nagseselosan kaya sila sa mga ka-date nila?

vuukle comment

AKTOR

BIYERNES

BRUNO MARS

I HEART YOU PARE

IZA CALZADO

MICHAEL COPON

PARTY PILIPINAS

REGINE VELASQUEZ

RICHARD GUTIERREZ

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with