^

PSN Showbiz

Mommy ni Juday uupong chairman ng jury ng TP

-

MANILA, Philippines - Inihahandog ng Talentadong Pinoy ng TV5 ang pinaka-exciting at pinakamalaking tagisan ng talento ng mga artista ngayong Linggo, Abril 10, sa pagdiriwang nito ng kaarawan ng host ng programa na si Ryan Agoncillo.

Kapana-panabik ang celebrity line-up ng Ta­lentado kaya paniguradong tututukan ito ng mga manonood upang masaksihan ang mga nakaaa­liw pero malulupit na performances mula sa malalapit na kaibigan ni Ryan -- sina Daiana Meneses, Jose at Marion ng Fear Factor, Miriam Quiambao, Jeffrey Santos, at LJ Moreno.

Tunghayan kung paano magtatagisan ng ta­lento ang mga celebrity Talentado at kung sino sa kanila ang magpapamangha sa mga espesyal na talent scouts na kinabibilangan ng asawa ni Ryan na si Judy Ann Santos-Agoncillo, Shalala, Direk Joey Reyes, at Congress representative Lucy Torres-Gomez.

‘Wag din palalampasin ang special participation ng biyenan ni Ryan na si Mommy Carol bilang Chairman ng Jury. Kabilang sa mga tutulong upang pumili ng pinakamagaling na Talentado performer ay ang stylist, talent manager, mga kaibigan at fans ni Ryan.

Ang Talentadong Pinoy ay mapapanood tuwing Sabado ng 8:30 ng gabi at Linggo ng 7:30 ng gabi sa TV5.

vuukle comment

ANG TALENTADONG PINOY

DAIANA MENESES

DIREK JOEY REYES

FEAR FACTOR

JEFFREY SANTOS

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO

LINGGO

LUCY TORRES-GOMEZ

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with