^

PSN Showbiz

Leizel Sicangco pinababalik na sa pagka-Muslim ang dalawang anak nila ni Robin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Pinagtawanan na lang ni Marian Rivera ang kumalat na text kamakalawa ng hapon na naaksidente raw siya at namatay.

Hindi na bago ang ganung pagkakalat ng ma­ling balita sa isang kilalang artista, at hindi nakaligtas diyan si Marian.

Naloka lang daw siya sa kasasagot sa mga malalapit na kaibigan at kamag-anak na nakatanggap ng ganung text message.

“Huwag kayong mag-alala, hindi po ako naaksidente at namatay. Buhay na buhay po ako dahil marami pa po akong tatapusin na trabaho,” natatawang mensahe nito sa mga nag-alala sa kanya.

PAK! : Totoo kayang galing daw sa isang talent-reality search ang bagong girlilit ng isang sikat at maimpluwensiyang male celebrity?

Ang nakakaloka pang kuwento, nireto pa raw ito ng isang young star na ka-batch nito sa talent reality search na iyun.

Ang young star na nagreto sa kapwa young star ay dati ring katsugihan ng sikat na male celebrity.

Pero siyempre, nagkasawaan din at type naman nila ang iba kaya ang kaibigang young star na ang nireto niya.

Nagkagustuhan naman dahil madatung talaga si sikat na male celebrity, kaya sila pa rin hanggang ngayon.

Kaya nakarating ito sa amin ay dahil itong si young star na nag-recommend ang nagkalat ng kuwento tungkol sa dalawa.

Itong dalawang young star ay parehong may halong banyaga at talunan sa talent reality-search na sinalihan nila.

BOOM : Nag-aalala ngayon si Leizel Sicangco sa dalawa niyang anak na sina Queenie at Kylie na nagi-enjoy na sa showbiz.

Nag-text ito sa amin na sana magbalik na raw sa pagka-Muslim ang dalawa niyang anak dahil mukhang nabago na raw ito ng pananaw dahil sa showbiz.

“Hindi ko na kasi nagugustuhan ang mga damit na sinusuot nila. Ibang-iba na sa dati. Sana nandiyan pa rin ang faith nila sa Panginoong Allah kasi natatakot na ako sa mga nangyayari ngayon sa atin,” pahayag ni Leizel nang nakausap namin ito.

Nakarating din daw sa kanya ang pagkaka-link ni Kylie kay Aljur Abrenica, at sana huwag daw itong magkamali sa lalaking mamahalin niya.

Hindi pa raw niya nakakausap si Kylie, pero si Queenie ay madalas daw na tumatawag sa kanya.

Ayaw na lang magsalita pa ni Leizel, pero mukhang may tampuhan sila ni Kylie.

                                                                     

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

AYAW

BUHAY

HUWAG

LEIZEL

LEIZEL SICANGCO

MARIAN RIVERA

PANGINOONG ALLAH

QUEENIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with