^

PSN Showbiz

Movie nina Robin at Mariel paiba-iba ang playdate

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Takot pala sa daga si Dingdong Dantes pero walang magawa dahil daga ang role niya sa Ang Spooky Mo Presents Bampirella na tampok sa pilot episode ang GF nitong si Marian Rivera. Ang feeling ng aktor, kalmot ng mga daga ang nagigisnan niyang kalmot sa katawan noong bata pa siya.

Sa March 26 na ang pilot ng Bampirella, samantalang patuloy siyang napapanood sa I Heart You Pare katambal si Regine Velasquez. Abangan daw natin ang mga eksenang ginawa niyang lalaki si Songbird dahil sobrang nakatatawa.

Nang bumista kami sa taping ng rom-com series na ginawa sa Surplus SM The Block, sinamahan niya kunwari si Tonette na mamili ng damit pang-lalaki. May eksena pang paiinumin niya ito ng alak at iba pang kalerkie scene.

Natutuwa si Dingdong dahil based sa survey, hindi lang mga bading ang fans nila ni Regine ang nanonood. Based sa survey, pati mga bata at male viewers ay sumusubaybay at natutuwa sa series. Sa tanong kung feeling ba niya nakaapekto sa ratings ng series ang paglipat nito ng time slot, ’di pa niya alam ang effect.

“Ang alam ko, big challenge for us na dalawa ang katapat namin at nag-iiba ang ratings namin. Pero ’di ako nagpapaapekto sa ratings, focused ako sa trabaho at may captive audience rin naman kami,” pahayag ni Dingdong.

* * *

Ang patuloy na pagpapa-breastfeed sa anak na si Aki ang sinabing rason ni LJ Reyes kung bakit hindi siya tumaba after manganak. Seven months na siyang nagbi-breastfeed at magpapatuloy hangga’t kailangan ng anak.

Active na uli sa showbiz si LJ at pumirma ng three-year exclusive contract sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan para tulungan siya sa kanyang career. Usapan nila ng manager na character roles na ang gagawin niya at natupad ito sa Sisid, kung saan may kissing scene sila ni Dominic Roco.

Okay lang kay Paulo Avelino na may kissing scene siya dahil pagdating sa career, wala silang pakialamanan.

Tinanong namin si LJ kundi ba siya nao-offend dahil sa interview ni Paulo, bawal silang banggitin ang anak nila?

“Okay lang sa akin ’yun, iba ang personal sa trabaho. Basta makatutulong sa kanya, no problem. Hindi naman niya kami idine-deny ni Aki. Nakikita ko namang proud siya sa anak niya,” sagot nito.

Pinaghahandaan na nina LJ at Paulo ang first birthday ni Aki sa July 24 at circus ang gusto niyang concept.

* * *

Hindi na pala sabay ang pilot airing ng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 at Captain Barbell ng GMA 7 sa March 21, kaya minus stress ang Gutierrez family. Kung nagkataon, sabay ang show ng magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez.

Naurong sa March 28 ang pilot ng Captain Barbell dahil mas pinagaganda ni Direk Dominic Zapata at ng kanyang staff ang show. Kailangan ding i-adjust ang costume ng aktor dahil pumayat ito.

Kasama na sa cast ng Captain Barbell si Saab Magalona at masaya ito kahit kontrabida uli ang role. Okay sa kanyang malinya sa bad girl roles para maiba sa ate niyang si Maxene Magalona at magkaroon ng sariling identity.

International ang ilang staff ni Direk Dominic sa paggawa ng Captain Barbell dahil ang costume at production designer na si Peter Collias ay siya ring designer ng The Matrix at Moulin Rouge. Ang costume designer naman ng mga superheroes ay si Emily Lai, a Walt Disney costume designer from Cubedecor of Hong Kong.

* * *

Mamayang gabi ang special screening ng Tum: My Pledge of Love movie nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Sa Cinema 4 ng Powerplant Mall Rockwell, 6:00 p.m. ang special screening bago ang showing ng movie. Sa April 6 nga ba? (???).

Kaya patanong ang pagkakasulat namin dahil sa nabasa naming tweets ni Mariel, paiba-iba ang playdate ng movie na isa si Robin sa mga direktor. In fact, ang nakasulat ay “A Movie by RobinHood Padilla.”

Kasama nina Robin at Mariel sa cast si Queenie Padilla at Ejay Falcon at Indians na ang ibang cast.

vuukle comment

A MOVIE

AKI

ANG SPOOKY MO PRESENTS BAMPIRELLA

CAPTAIN BARBELL

CUBEDECOR OF HONG KONG

DAHIL

DINGDONG DANTES

DIREK DOMINIC

DOMINIC ROCO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with