^

PSN Showbiz

Dahil sa kontrobersiya, Cristine natatabunan na ni Solenn

- Veronica R. Samio -

Masusuwerte ‘yung mga lalaking mahina ang loob at walang lakas ng loob na manligaw ng harap-harapan sa isang babae dahil mayroong internet na maaasahan. Kung wala nito paano sasabihin ng isang lalaki, gaano man siya kasikat, ang kanyang damdamin sa isang babae? This proves more difficult kapag ang babae ay isang celebrity, artista. Talagang mai-intimidate ka.

Ito marahil ang dahilan kung bakit sa internet niyayang mag-date ng sikat na football player at model na si Phil Younghusband ang aktres na si Angel Locsin.

Ang sikat ding basketbolistang si Simon Atkins ng Dela Salle ay sa Twitter account niya nagpahayag ng kanyang napaka-laking crush sa aktres na si Kim Chiu. Dito rin niya sinabi ang pagnanais niyang makilala ito. 

Ngayon, pareho nang sumisikat ang dalawang tandem.

Kulang na lang, makita sila sa isang show para sila maging isang loveteam. At sa lakas na ipinamama­las ng kanilang tandem, sa mabilis na pagrami ng kanilang mga tagasubaybay, hindi maglalaon ay baka samantalahin na rin ito ng ABS-CBN igawa sila ng sarili nilang show.

* * *

Mukhang napaaga ang reaksiyon ko tungol sa pagkamatay ng character ni Bela Padilla sa Machete. Buhay pa siya at nasa pangangalaga ng isang ka-tribong may pagkakagusto sa kanya.

Obvious naman na guest lang talaga si Kris Bernal at hindi ito magi-end up with Aljur Abrenica.

* * *

Mukhang si Solenn Heussaff ang nagdadala ng mga viewers sa Party Pilipinas. Talagang inaaba­ngan na ng maraming manonood kung ano ang kan­yang kakantahin at kung gaano ka-sexy siya lala­bas sa nasabing programa.

Lumalabas na si Solenn ang ipinangtatapat ng network kay Cristine Reyes ng ASAP XV, na ang kaseksihan ay parang natatabunan ng kanyang isyu sa isa pang kasamahan niya sa programa. Natatabunan ang kagandahan ng kanyang performance ng love triangle at kontrobersiya nila nina Rayver Cruz at Sarah Geronimo. Unless kalimutan nila ang isyu at ayusin na ang gulo ng tatlo, mananakawan sila ni Solenn ng manonood. Sayang si Cristine na hindi naman basta-basta mapapataob ni Solenn. Sayang din ang efforts ni Sarah na nakakayanan nang tapatan si Regine Velasquez at maging si Rayver na bagaman at hindi pa nakapagbida ng kasing dami ni Mark Herras ay hindi rin naman pahuhuli sa Kapuso actor/dancer pagdating sa sayawan.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANGEL LOCSIN

BELA PADILLA

CRISTINE REYES

DELA SALLE

ISANG

KIM CHIU

KRIS BERNAL

MARK HERRAS

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with