^

PSN Showbiz

Pokwang hindi na tuloy sa temptation... Kahit may kontrata na

-

MANILA, Philippines - Balita ng Viva Films, pinilahan ang opening day ng pelikulang Who’s That Girl? kahit medyo umuulan-ulan kahapon.

In fairness, maganda ang feedback ng pelikula na unang project ng Viva Films and SM Development Corporation.

* * *

Hindi naman pala tinanggal si Pokwang sa remake ng pelikulang Temptation Island. Ayon sa source, hindi pinayagan si Pokwang na gawin ang pelikula for Regal Films kaya hindi siya natuloy makasama sina Marian Rivera, Heart Evangelista at Lovi Poe.

Ang bossing daw ng Star Cinema ang hindi pumayag kahit balitang may kontrata na ang nasabing project sa Regal. Hindi na lang daw kumibo ang Regal ayon sa source.

Si Rufa Mae Quinto ang papalit sa role na nakawala kay Pokwang.

Karylle at Derek gusto namang tumulong sa iba

Kahit may inang diva, pinaghirapan ni Karylle ang narating sa entertainment industry. Dumaan ang multi-media artist sa hirap, determinasyon, at dedikasyon sa trabaho kahit nakilala noong una bilang anak ni Zsa Zsa Padilla.

Pero ngayong kumikita na at kilala na sa showbiz, ibinabalik naman ito ng young singer-TV host sa iba. Gusto niyang maging modelo sa mga kabataan na makalikha ng kaibahan sa kapaligiran. “I am so blessed with my career and the love I get from everyone. It’s only proper to pay it forward,” sabi ng talented at sexy singer.

Ganito rin ang layunin ni Derek Arthur Ramsay. Isa na siyang modelo sa mga fans na hindi lang mahilig sa entertainment kundi mga sports buff din. Iyon din kasi ang personality ng aktor na seryoso sa pagiging artista pero naisisingit pa ang passion sa Frisbee. Sa katunayan, nakikipag-compete talaga siya at nananalo ang Philippine Frisbee Team nila sa iba’t ibang bansa.

“I simply love the adrenalin rush that goes with the sport,” sabi ni Derek na kita sa katawan ang pagiging fit and healthy.

Pareho naman sila ni Karylle na gustong tumulong sa iba, lalo na kung kapuspalad talaga.

“Helping others should be second nature to everyone, especially if you are in the position to make a difference,” sabi ng aktor.

Kaya hindi nakapagtataka kung pareho rin silang maging MVP (Most Valuable Person) ng Pharmaton. Sila ang nagpapakita ng balanseng paghawak sa trabaho, iba’t ibang hilig, at pati pagtulong sa iba na nangangailangan.

Ang Pharmaton multivitamins naman ang tumutugon sa pangangailangan ng isip at katawan nila upang maging mas malakas at aktibo pa.

Sa March 15, gaganapin ang Pharmaton MVP Unleashed Challenge para maipakita ang galing ng ginseng na meron ang Pharmaton. Dito pipili ng sari­ling MVP ang kumpanya. 

Dalawang Pinoy nakikipagbakbakan sa American Idol

Ngayong linggo, umpisa na pala ang live performances sa semi-finals ng American Idol kaya asahang magpapakitang-gilas ang natitirang Top 24 Idol hopefuls.

 At kasama ngang mapapanood sa AI sa GMA News TV Channel 11 ang mga Fil-Am na sina Thia Megia at Clint Jun Gamboa.

Napabilib ng 15-year-old na si Thia ang mga hurado at manonood sa pagbirit niya ng Chasing Pavements nang mag-audition siya sa Milwaukee.  Bumida naman si Clint, 26-year-old at taga-Long Beach, California, sa kanyang versions ng Georgia on My Mind at Superstitious.  

Mapapanood  sa GMA News TV Channel 11 ang live performance ng Top 12 Boys ngayong Huwebes, March 3, 2:00 pm, at ang Top 12 girls naman  pagdating ng 6:00 pm (may same day replay ng 10 pm.) Ang unang results show ng Season 10 ay mapapanood ngayong Biyernes, March 4, 6:00 p.m. (may same day replay ng 10:00 p.m.).

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANG PHARMATON

CHASING PAVEMENTS

CLINT JUN GAMBOA

DALAWANG PINOY

DEREK

KARYLLE

PHARMATON

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with