^

PSN Showbiz

Aminado nang stage boyfriend Jay-R pakikialaman ang career ng dyowa

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Ayaw nang patulan ng R&B Princess na si Kyla ang patuloy na naninira sa kanya sa Twitter.

Aminado si Kyla na nairita siya nung patuloy na tinitira nitong basher niya sa Twitter, lalo nang pati sa Twitter account ng boyfriend niyang si Rich Alvarez ay pinapadalhan niya ng kung anu-anong paninira.

Ang ikinairita pa ni Kyla, ang ginamit pa nitong user name ay Pangitnikyla kaya halatang nang-iirita lang ito.

Ang duda ng singer, avid fan ito ni Rich na nagseselos kaya gusto lang siyang siraan.

Na-block na ito ni Kyla at pati na rin si Rich kaya wala nang nakakarating sa kanya na paninira.

Sana tigilan na siya ng ganitong taong walang pinagkakaabalahan kundi manira ng kapwa.

TANONG : Totoo kayang tuluy-tuloy na si Iza Calzado sa Eat Bulaga bilang isa sa mga Dabarkads?

 “Hindi ko alam kung February o March, basta ’yun nga isang masayang balita ako’y makakasama na ninyo tuwing pananghalian. Ipa-finalize lang namin kasi I might go on vacation first,” sagot sa amin ni Iza.

Matagal na rin naman niyang pangarap na ma­ging isa sa mga Dabarkads, at natupad na ito ngayon.

TOTOO KAYANG isang kilala at mataray na showbiz personality ang pinagbabawalan ng isang network na makasama ng isang guwapong young actor na talent nila?

Hindi namin alam bakit ipinagbabawal na makitang magkasama sila, pero nabalitaang sumama itong si guwapong young actor sa kolumnistang ito kamakailan lang kaya nalaman naming pinagalitan siya.

Bading si mataray at kilalang showbiz personality at alam naming kaibigan din naman ng mga executives ng TV network ito.

Pinag-awayan na nga ito ng young actor at ng kanyang bading na manager dahil naging pasaway na ito at hindi na sumusunod sa instruction sa kanya ng manager at ng TV network na pinagtatrabahuhan niya.

TSIKA LANG : Hindi nahihiya si Jay-R na amining isa siyang stage boyfriend kay Krista Kleiner.

Naniniwala si Jay-R na sa tagal niya sa industriya, tingin niya ay alam na nito kung ano ang mas nakabubuti sa career ng kanyang kasintahan.

Kaya pagkatapos ng reign ni Krista sa Binibining Pilipinas, si Jay-R na mismo ang magpaplano sa showbiz career ng actress-beauty queen.

Balak ni Jay-R na igawa ng album si Krista at lalong i-develop ang singing career ng dyowa.

Malamang na surprise participation si Krista sa Valentine concert nina Jay-R at Kyla na Soulmates para mapatunayang malaki na ang improvement ng girlfriend niya sa pagkanta.

 Sa Feb. 11 ang Valentine concert na Soulmates na gaganapin sa The Establishment.

vuukle comment

B PRINCESS

BINIBINING PILIPINAS

DABARKADS

EAT BULAGA

IZA CALZADO

JAY-R

KRISTA

KRISTA KLEINER

KYLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with