^

PSN Showbiz

Actor A ng Kapamilya lulundag sa TV5

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Isang malaki at magaling na artista at itinuturing na ‘reyna’ noong panahon niya ang sinasabing makakasama nina Alice Dixson at Alex Gonzaga sa soap ng TV5 na Babaing Hampaslupa. Siya ang gaganap na ina ni Alice at lola ni Alex sa soap na title pa lang, sobra na sa kadramahan. Knows namin ang writer nito, pero bawal isulat.

Tatlo ang pinagpilian ng TV5 na magdirek ng soap, kaso ‘yung unang in-offer, tila ayaw muna ng dramang project. Ang isa’y may trabaho pa, kaya malaki ang posibilidad na sa pangatlong director maibibigay ang project.

Ang Babaing Hampaslupa  ang isa sa pambatong programa ng TV5 sa 2011.

*    *    *

Magkikita sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa Singapore dahil pareho silang dadalo sa 15th Asian TV Awards. Pareho silang nominado. Kundi nabago ang schedule, sa Miyerkules ang alis ni Richard for Singapore kasama si Jun Lalin.

Sa Dec. 9, sa mismong araw ng awards night naman daw ang alis ni Dingdong na sad to say, hindi masasamahan ni Marian Rivera dahil busy ang aktres sa maraming commitment dito.

Nominated ang Planet Philippines hosted by Richard sa Best Natural History or Wildlife Programme or Docu-Drama category. Sa Best Drama Performance by an Actor naman nominated si Dingdong para sa Stairway to Heaven.

Maganda kung parehong mananalo sina Richard at Dingdong at isama na rin si Michael V na nominated sa Best Comedy Performance by an Actor/Actress para sa Pepito Manaloto.

Masaya na si Richard sa nomination ng Planet Philippines at big bonus daw kung mananalo ito dahil ang kalaban ay program ng National Geographic Channel at Discovery Network. Next year, ang Wildlife for Sale ang ipanglalaban ni Richard sa Asian TV Awards.

This Monday na pala ang simula ng Puso ng Pasko Artista Challenge na hosts sina Richard at Vicky Morales.

*    *    *

Nahihilo kami sa lipatan ng mga artista from one network to another and to another. Para silang mga butterfly na palipat-lipat sa pagdapo ng bulaklak. Bukod sa mga lumipat na gaya nina Jewel Mische at Pierro Vergara na dati’y taga-GMA 7 at ngayon ay nasa ABS-CBN na, marami pa raw ang susunod na mag-oober da bakod.

Isa rito’y si actor A na kilalang Kapamilya, pero lilipat na raw sa TV5 at siya raw at hindi ang nali-link na si Kean Cipriano ang makakapareha ni Alex Gonzaga sa Babaing Hampaslupa. Kahit identified sa ABS-CBN, hindi ang Star Magic ang nagma-manage kay actor A, kaya walang problema kung totoong magiging Kapatid na siya.

Alam na kaya ng GF-actress ni actor A na lilipat siya ng network at makakapareha si Alex? Hindi naman siguro nito pagseselosan si Alex dahil very much in-love sa kanya si actor A.

*    *    *

Nagulat kami sa nabasa sa Twitter account ng isang aktres dahil walang pakundangang gumamit ng salitang “f—k”. Hindi lang isang beses nito ginamit ang masakit sa tengang salita na  hindi ini-expect ng kanyang followers na mababasa sa kanya.

Sweet at wholesome ang image ng aktres at ‘pag ini-interview sa print at TV, napakagalang at laging may “po” at “opo” ang salita. Pero pagdating sa Twitter, nag-iiba pala ang personalidad nito.

Sana, hindi na-disappoint ang fans na umiidolo sa aktres sa nabasa sa kanyang Twitter.

Kundi galit, baka nag-emote lang ang aktres at ipinakita ang kanyang other side.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ALICE DIXSON

ANG BABAING HAMPASLUPA

BABAING HAMPASLUPA

BEST COMEDY PERFORMANCE

BEST NATURAL HISTORY

DINGDONG DANTES

PLANET PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with