^

PSN Showbiz

Singer/comedian malala na ang sakit', Madalas lang sa bahay, hindi lumalabas ng kuwarto

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Very reliable ang nagparating sa amin ng kuwentong nakipag-break na raw si Nadine Samonte sa non-showbiz boyfriend niya.

Mukhang maraming pagbabago ang nangyayari ngayon sa buhay ni Nadine. Nagso-solo na ito ngayon at hindi na siya nakatira sa mommy niya, at ang latest nga nakipag-break na raw sa boyfriend niyang matagal na niyang karelasyon.

At balak pa nito ngayon pagkatapos daw ng taping ng Endless Love, magbakasyon muna sa Amerika para makapagpahinga.

TANONG : Nagpakasal na nga kaya sina Alfred Vargas at ang non-showbiz girlfriend niya na si Yasmine Espiritu sa Italy.

Kararating lang ng actor/politician galing Italy para mamanhikan daw pero marami ang nakapansin sa suot nitong singsing na parang wedding ring na.

“It’s a symbol of inspiration and unending commitment. Siyempre, tiniyak ko nang hindi na siya makawala sa akin,” makahulugang sagot ni Alfred.

Hindi man niya deretsahang inaming nagpakasal na sila sa Italy, kinuwento niyang nagkaroon daw ng simpleng seremonya roon sa Italy na kung saan kasama nito ang kanyang mommy at kapatid, at ang buong pamilya ni Yasmine.

TOTOO KAYANG problemado ngayon itong singer/comedian kaya hindi na ito gaanong naglalalabas?

Hindi raw alam kung ano ang dinadala nitong problema pero ang dating sakit niyang madalas na late sa trabaho, ngayon ay mas lumala pa raw dahil minsan ay hindi na ito dumarating.

May regular show siya tuwing Linggo at nakasanayan na ng mga staff ang pagdating nito ng late kaya hindi na siya sinasalang sa opening.

Pero ang latest na ikinaloka nila, hindi na raw ito sumisipot. Minsan dumadating naman, minsan wa talaga pagka-apir kaya sinasalo na lang ito ng ibang kasamahan niyang singer.

Hirap na hirap na raw ang mga staff dahil wala silang alam kung darating ba ito o hindi, dahil wala namang kontra-abiso kung hindi siya makakarating.

Nagtataka raw sila kung problemado nga ba ito dahil madalas ay nasa bahay lang daw ito at hindi lumalabas ng kuwarto.

TSIKA LANG : Tuwang-tuwa ang Starstruck runner-up na si Enzo Pineda dahil siya ang nanguna sa top ten Candy Cuties ng Candy magazine kamakailan lang.

For four years ay si Sam Concepcion ang namamayagpag dito at ngayon lang ito nabuwag dahil sa sobrang suporta ng fans ni Enzo.

Kaya okay lang kay Enzo na hindi siya nasali sa centerfold ng Cosmopolitan hunks dahil pambagets pala talaga ang supporters niya.

Pang-wholesome muna raw talaga siya, kaya hinayaan na niya muna ang pa-sexy kina Rocco Nacino at Steven Silva.

May susunod daw na magandang project na gagawin si Enzo sa GMA 7 na ikina-excite niya nang husto dahil kakaiba raw ito.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CANDY CUTIES

DAHIL

ENDLESS LOVE

ENZO

ENZO PINEDA

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with