^

PSN Showbiz

Leizel nag-emote, Ali kinuto at nilisa nang alagaan nina Robin at Mariel

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kapiling na ni Leizel Sicangco sa Australia ang kanyang anak na si Ali (ito ang spelling ng name ng bagets na ginagamit ni Leizel, hindi Allih) pero may emote pa rin siya.

Sa text message ni Leizel sa isang kakilala, inireklamo ni Leizel na maraming kuto at lisa ang bunsong anak nila ni Robin. Gumawa raw siya ng paraan na matsugi ang mga kuto at lisa ni Ali or else, hindi ito tatanggapin sa school na papasukan.

Edited ang kuwento ko tungkol sa emote ni Leizel dahil kung sasabi­hin ko ang kabuuan ng kanyang text message, may mga tao na mapapa-ouch dahil sila ang sinisisi ng ex-dyo­wa ni Robin sa paninirahan ng mga kuto at lisa sa ulo ni Ali.

*    *    *

Lie ang resulta ng lie-detector machine ng Showbiz Central sa sagot ni Troy Montero sa Don’t Lie to Me segment ng show.

“No” ang sagot ni Troy sa tanong kung nagseselos siya kay Ervic Vijandre na naging ka-close ni Aubrey Miles sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

“Lie” ang resulta ng lie-detector machine. Ang ibig sabihin, totoo ang mga tsismis na pinagselosan ni Troy si Ervic.

Natatandaan ko ang kuwento na nagbago ang mukha ni Troy nang tanungin siya tungkol kay Ervic sa get-together ng mga celebrity castaways sa premiere telecast ng Survivor Philippines. Napasimangot daw si Troy at marami ang naka-sight sa kanyang facial expression kaya kumalat ang tsismis na nagselos siya sa mhin na na-link kay Aubrey.

*    *    *

Tuloy na tuloy na ang pagkandidato ni Jolo Revilla bilang barangay captain sa Bacoor, Cavite.

Wala nang puwedeng umawat kay Jolo dahil seryoso siya na pasu­kin ang mundo ng pulitika.

Hindi magkakaroon ng conflict ang pagkandidato ni Jolo sa kanyang show­biz career dahil marunong siya na magbalanse ng oras.

Aminado si Sen. Bong Revilla, Jr. na si Jolo ang sumusunod sa kanyang mga yapak bilang actor-politician. Mas bata pa nga si Jolo kesa kay Bong nang magsimula ang political career nito noon.

*    *    *

Tiyak na kasama si Jolo sa binabalak na pagbabakasyon sa Europe ng kanyang mga magulang.

Ipagdiriwang nina Sen. Bong at Rep. Lani Mercado ang kanilang 25th wedding anniversary kaya iniisip nila na magbakasyon sa ibang bansa.

Balak ng mag-asawa na isama sa biyahe ang buong pamilya nila. Ba­ka hindi na matuloy ang kanilang renewal of vows dahil magastos ang mag-bakasyon grande sa Europe.

*    *    *

Sad si Annabelle Rama dahil ang feeling niya, ayaw ni Georgina Wilson na maging boyfriend ni Solenn Heusaff si Richard Gutierrez.

Ex-girlfriend ni Richard si Georgina at si Solenn ang napapabalita na bagong girlfriend niya matapos ang break-up nila ni Jewel Mische.

Magkabarkada sina Georgina at Solenn. Ang feeling ni Bisaya, hindi type ni Georgina na magkaroon ng relasyon ang kanyang kabarkada at ex-boyfriend.

Unfair ’yon para kay Bisaya dahil matagal nang hiwalay sina Georgina at Richard. Si Borgy Manotoc na ang new boyfriend ni Georgina.

vuukle comment

ALI

ANNABELLE RAMA

AUBREY MILES

GEORGINA

JOLO

LEIZEL

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with