^

PSN Showbiz

Sikat na aktres nasorpresa na bading ang hunk na ex-BF

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

May nakapagbulong sa akin na reliable source na taga-showbiz din tungkol sa tunay na dahilan kung bakit nakipag-break ang sikat na aktres sa kanyang dating karelasyon na isang hunk actor.

May mga bulung-bulungan na may rich benefactor ito pero dedma lang siya.

One time kasi ay pinuntahan nito ang ex-BF sa kanyang condo ng alanganing oras. May sarili kasing susi ang sikat na aktres kaya nabuksan niya ang pinto. Masaya sana niyang sasabihin sa ex-BF ang tungkol sa ibibigay niyang party dahil malapit na ang birthday nito. Pero pagbukas ng pinto ay siya ang nasorpresa dahil tumambad sa kanyang paningin ang isa ring aktor na kasama sa kuwarto (na kinukuwestiyon din ang gender). Sweet na sweet ang dalawa.

Marami nang naririnig na bulung-bulungan ang sikat na aktres tungkol sa ex niya hanggang mag­kalamigan sila at dun nagsimula ang pagde­dedmahan hang­gang tuluyang magkahiwalay ng landas.

Geoff namumura ni Gina

Excited na si Geoff Eigenmann sa bago nitong kaparehang si Glaiza de Cas­tro sa bago nilang fantaserye although mami-miss niya ang kapareha at ladylove na si Carla Abellana. Ipa­pareha naman ito kay Dennis Trillo sa Korean telenovela na Coffee Prince.

Hindi ba siya nagseselos kay Dennis?

“Hindi naman kasi nagkasama na sila sa Love Bug noon at maganda na­man ang kanilang working rela­tionship. Noong una, seloso ako lalo na nung bata pa ako. Pero ngayon hindi na,” sabi ng aktor.

Naitanong din namin kung napanood ba niya ang mga de kalidad na pelikula ng kanyang mommy na si Gina Alajar na isang multi-awarded actress.

Napanood nito ang Salome at sinabing saludo siya sa napakagaling na ina lalo na pagdating sa akting. Pinagbubuti rin nito ang pag-arte dahil gustong patunayan na anak nga siya nina Michael de Mesa at Gina.

Nag-acting workshop si Geoff under sa kanyang mommy at inaming walang special treatment.

“Kapag nagkamali nga po ako, sinisigawan niya ako at minsan nagmumura pa kaya ’pag siya ang aking acting coach, pinagbubutihan ko talaga at tinatandaan ang mga acting instructions,” natatawang say pa ni Geoff.

Sa kabilang banda, mami-miss na ang araw-araw na pagkikita nila ni Carla sa taping ng Basahang Ginto pero they are dating exclusively. Wala pa ring pag-amin kung totoo ngang may relasyon silang magkapareha.

Consistent ang rating ng Basahang Ginto kaya naging memorable sa kanila ang teleserye. Nag-last taping day na sila kaya sobrang lungkot ang nadama ng mga staff at kapwa artista dahil para silang isang pamilya.

vuukle comment

BASAHANG GINTO

CARLA ABELLANA

COFFEE PRINCE

DENNIS TRILLO

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

GINA

GINA ALAJAR

LOVE BUG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with