^

PSN Showbiz

Nora ayaw tumanggap ng donasyon kahit sa mga kapwa Bicolano

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sa tatlong konsiyerto na ginawa ni Nora Aunor sa Australia - Melbourne, Brisbane at Sydney - nangibabaw ang bilang ng mga kababayan niyang Bikolano na nanood ng mga palabas niya. Pagkarami-rami pala ng mga Bikolano sa Australia na kababayan ni Nora pero sabik na sabik pa rin sila na makapiling ito.

Talagang dinudumog nila ito, tuwing makakatapos ang show ay sinusugod nila si Guy, lahat gusto kahit mahawakan man lamang siya. Lahat gustong makapagpalitrato sa kanya. Nang malaman nga nila ang problema ni Nora sa pera, lahat gustong magbigay para siya makapagpa-opera at mapanumbalik ang boses niya.

Kung gugustuhin lang niya, sa kontribusyon lang ay makakabuo na siya ng pambayad ng abogado sakali mang magpasya siyang dalhin sa korte ang kanyang kaso.

Humihingi nga pala siya ng paumanhin sa lahat dito sa atin dahil hindi niya natupad ang pangako niyang uuwi siya. Nakahanda na raw ang lahat nang mangyari ang hindi niya inaasahan.

Sana raw ay magawa pa rin niyang umuwi balang araw.

Sana nga, Guy, sana nga.

Naiwan nga pala si Nora sa Sydney. Wala nang show pero magpapahinga muna naman siya. Naiwan din dun si Juan Rodrigo pero hindi sila magkasama. May mga kaibigang kasama si Juan.

May mga naglagay kasi ng kulay sa pagkasama ni Juan sa mga konsiyerto ni Nora, nang-iintriga pero wala ‘yun.

It was purely Juan supporting Nora. Yun lang..

* * *

Talagang mag-aaktibo na pala si Danita Paner sa kanyang pag-aartista. Akala ko, singing lang ang ipo-pursue niya, pati pala pag-arte.

Well, good luck sa kanya. Nasa mabuting pangangalaga naman siya ni Mama Annabelle Rama. Walang dahilan para hindi siya sumikat, basta’t gugustuhin niya dahil siya naman ay maganda at may talent pa.

And with Mama Daisy around to help push her, Mararating niya ang stardom in no time at all.

Malampasan kaya niya ang naging kasikatan ng ate Tina Paner niya?

Abangan na lang natin.

* * *

Nagkakandakahog si Aga Muhlach para matapos ang mga pelikula niya. Nasa Japan siya sa kasalukuyan at tinatapos ang movie nila ni Angel Locsin.

Ito siguradong matatapos niya, ang tila may problema pa ay ang movie nila ni Regine Velasquez na nabalam na nang nabalam. Una, ginawa ni Regine ang Diva para sa GMA 7.

Nung matapos ito, nagkaroon naman ng problema dahil tumaba si Aga.

Ngayong puwede na nilang gawin ang pelikula nila, naghahanda naman si Regine para sa kanyang wedding sa pagtatapos ng taon. Palagay n’yo ba matatapos pa nila ang pelikula?

Dapat, dahil sayang naman kung hindi.

Marami na ang nag-aabang dito.

* * *

Kung hindi pa siya naospital, hindi pa mari-realize ni Mark Herras ang kahalagahan ng pamamahinga.

Sinagad-sagad kasi niya ang pagtatrabaho kaya siya na-overworked, Ngayon, hinay-hinay muna siya para maibalik sa dati ang katawan niya. Promise niya, aalagaan na ang health niya na dapat lang.

Wala munang magdamagang taping, tama na muna ‘yung pa-guest guest lang para lang hindi siya mawala sa eksena.

Pero gagawan ng GMA ng isang bonggang ending ang Langit Sa Piling Mo, para hindi siya madaling makalimutan ng manonood. Ngayong maluwag na ang sked niya, sa pagitan ng pamamahinga niya, makakapag-date na sila ng kanyang girlfriend. Payagan naman kaya ni Nadia si Ynna?

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

ANNABELLE RAMA

BIKOLANO

LANG

NIYA

NORA

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with