^

PSN Showbiz

Kapatid network nag-deny agad, Willie Revillame pumirma na ng kontrata sa TV5?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagbigay ng hint si Congressman Manny Pacquiao na malamang na idaos uli sa Dallas, Texas ang laban niya sa November 2010.

May dalawang buwan pa si Manny para paghan­daan ang kanyang laban pero enjoy pa siya sa kanyang mga bagong responsibilidad bilang kongresista ng Sarangani Province.

Hindi pa sinasabi ni Manny ang lugar na pupun­tahan niya para sa kanyang training. Mahirap na mag-training siya sa compound ng Batasang Pambansa dahil maraming sagabal. Baka hindi siya makapag-concentrate. Kailangan niya na pumunta sa malayong lugar para maka-focus siya.

* * *

Nakita ko na ang mga litrato ng wedding re­ception nina Krista Ranillo at Niño Lim na idinaos sa isang yacht na Carolina ang name.

Picture of a happy bride si Krista. May mga litrato na sumasayaw siya, kasama ang mga bisita na hindi ko kilala.

Isa lang ang pamilyar sa akin, ang kapatid na lalaki ni Krista na madalas na kasama niya sa lahat ng lakad. Hindi ko nakita sa litrato ang kanyang mga magulang na sina Mat Ranillo III at Lynda Tupaz.

* * *

Nabasa ko somewhere na nagulat si Gloria Sevilla nang malaman nitong nagpakasal na ang apo niya.

Parang may tampo raw si Gloria dahil hindi niya alam na ikakasal sa Amerika si Krista. Na-confuse ako nang mabasa ko naman ang interbyu kay Krista dahil may statement siya na nagkausap sila ng kanyang lola bago sila nagpakasal ni Niño sa isang Jewish ceremony. Ano ba talaga ang totoo?

* * *

Tinawagan ako kahapon ni Mario Dumaual sa telepono. May-I-ask niya sa akin kung true ang balita na pumirma na si Willie Revillame ng kontrata sa TV5.

Ma at pa ang sagot ko dahil wala talaga akong alam. Nang ta­nungin ko si Mario kung bakit ako ang tinawagan niya, sumagot siya ng “’Di ba ikaw ang tagapag-taguyod ni Willie?” 

Naaliw ako sa word na ginamit ni Mario. Kahapon ko na lang uli narinig ang salitang tagapag-taguyod!

(Mabilis nag-deny ang TV5 tungkol sa issue -SVA)

* * *

After Liezl Sicangco, mukhang si Mariel Rodriguez na nga ang next girl na pakakasalan ni Robin Padilla. Muslim si Robin kaya allowed siya na magkaroon ng “mga” asawa.

In love na in love sa isa’t isa sina Robin at Mariel. Kita n’yo naman, goodbye showbiz muna si Mariel dahil sasamahan niya si Robin sa India.

Ilang babae ang katulad ni Mariel na nagawang iwanan pansamantala ang kanyang career dahil inuna niya ang tibok ng puso? I-wish natin ng good luck ang lovelife nina Robin at Mariel.

vuukle comment

BATASANG PAMBANSA

GLORIA SEVILLA

KRISTA

KRISTA RANILLO

LIEZL SICANGCO

LYNDA TUPAZ

MARIEL

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with