^

PSN Showbiz

Natikman ni Diether, Eugene lasang lechon Cebu

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - “I just know how to smile,” sagot ni Lovi Poe nang tanungin tungkol sa kaso ng boyfriend niyang si Rep. Ronald Singson na kasalukuyang nakakulong sa Hong Kong matapos mahulihan ng droga doon. Wala kasi sa hitsura niya na may dinadala siyang problema kung sila pa nga.

Pero hindi talaga siya napilit na magsalita or mag-comment man lang tungkol sa nasabing issue.

Eh sino naman ang nagko-comfort sa kanya na kahit ayaw niyang sabihin ay siguradong iniisip niya ang nangyari sa kongresista? “Me and myself. I’m very good to that na,” sagot niya.

Kung buhay kaya ang papa niyang si Da King Fernando Poe Jr., palagay niya kaya magagalit ito sa mga issue na sabit ang pangalan niya whether true or not?

“I doubt. Hindi naman.”

How time really flies. Imagine, anim na taon na pala ang nakakaraan since mawala si FPJ. At marami na ang nagbago kay Lovi sa loob ng anim na taong ‘yun.

May connection kasi sa kanyang papa ang naka-tattoo sa kanyang likuran na ‘my wings, my gravity.’ Two years na raw ang nasabing tattoo at ipinalagay niya ‘yun sa 4th death anniversary ng kanyang papa. Positive/negative ang meaning.

Anyway nang tanungin naman si Rocco Nacino, nasa tabi lang niya dahil nasa pictorial sila para sa Lovebug nang maka-tsika namin kung saan sila ang next na mapapanood, kung nag-attempt na ba siyang ligawan si Lovi, sagot ni Rocco, natatakot daw siya dahil baka mabasted siya.

Nang mabaling kay Lovi ang tanong kung anong chance ni Rocco if ever, “we never know.”

Anyway, hindi pa pala hawak ni Lovi ang best actress trophy niya sa natapos na Cinemalaya dahil pinapa-engrave pa ang name niya rito.

* * *

Special lechon Cebu na hindi na kailangan ng sauce at meat lovers pizza ang lasa ng labi ng komedyanteng si Eugene Domingo para kay Diether Ocampo.

Yup, lasang karne pala ang komedyante. May koneksiyon kaya ito sa weight ni Uge o nagkataon lang na lasang karne ang labi niya nang halikan ito ni Diether kahapon sa presscon ng Mamarazzi dahil pinilit siyang tanungin kong ano bang ‘lasa’ ng partner niya sa Mamarazzi. At ano ang difference nito sa mga nakahalikan na ni Diether na sina Angelica Panganiban (Rubi) at Kristine Hermosa.

Pero imbes na sumagot agad ang aktor, nilantakan muna ng halik ang katabi niyang leading lady sa 50th anniversary offering ng Regal Films. Hindi nakapalag si Uge. Saka nga siya sumagot sa tanong.

Wala rin daw umawat sa kanilang kissing scene sa pelikula kaya ang kuwento ni Uge nanlambot siya after ng nasabing eksena nila ng aktor.

Bukod sa lasa ng labi, inurirat din nila kung papayag daw kaya si Eugene na maging sperm donor niya si Diether. Yup, as in puwede kaya siyang maging ama ng magiging anak ni Eugene. “Oo naman. Bakit hindi.”

Pero si Diether, iba ang sagot. “Sa totoo lang, well, ito ang sagot ko. Dapat may feelings.”

Kuwento pa ni Diether, may mga katangiang kahanga-hanga si Eugene na hindi raw nakikita ng iba at nadiskubre lang niya habang sinu-shooting nila ang pelikula. “Kung nagkasama pa kami ng matagal, bakit hindi. Walang imposible sa mundong ito,” sabi ng aktor na parang puwede nga dahil nasabi niyang pareho naman silang walang commitment ni Eugene.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

DA KING

DIETHER OCAMPO

EUGENE DOMINGO

FERNANDO POE JR

HONG KONG

LOVI

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with