^

PSN Showbiz

Kahit ayaw ng TV host name ni Kris iuukit pa rin ni Robin sa dibdib

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Magkasunod naming na-interview sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla na magkasamang hosts ng Pilipinas Win na Win ng ABS-CBN. Excited si Mariel, pero hindi lang dahil kay Robin, kundi dahil sa lahat ng mga kasama niya.

 “Very special” ang description ni Mariel kay Robin. “And it feels good na there is someone na very traditional manligaw.” Kasama sa traditional na panliligaw ni Robin ang hilig tumula ng actor. “Pag nagsalita siya parang tumu­tula at dumadalaw sa bahay,” tsika ni Mariel.

Sa nabanggit naming shoutout niya sa Twitter na “I love Robin,” sabi ni Mariel, mahilig talaga siyang mag-“I love you” sa lahat. Kailan sila magiging couple? “You don’t plan those things, pangit pangunahan.”

Is she over to Zanjoe Marudo?

 “Definitely? To move on, you have to forget the past.”

Tinanong namin si Robin how it is working with her GF?

 “Wala pa at hindi pa. Sobrang mabibilis lang ang mga balita at ang mga pangyayari. Iyong nakikita kami in public, hindi na naman kami mga bata at kailangang ipakita ko sa kanya ang mga dala-dala kong bagahe.

May nagsabi kay Robin na ayaw ni Kris Aquino na ipa-tattoo ang name niya sa chest ng actor at name na lang ni Mariel, pero sabi ni Robin, gagawin pa rin niya ‘yun.

 “Isa siya sa dalawang babae na sobrang special sa akin at dapat lang naka-tattoo siya sa puso ko. Si Mariel, nasa loob ng puso ko at ang nag-tattoo noon ay ang tadhana.”

Aaawww!

* * *

Nahanapan na rin ng GMA 7 ng ka-loveteam si Elmo Ma­ga­lona at ito’y si Kylie Padilla. May nagtsika sa aming ilo-launch ang loveteam ng dalawa sa soap entitled Koreana.

Hindi alam ng source namin kung original o remake ang material, kaya nag-research kami sa internet at wala kaming nahanap.

Akala namin ito ‘yung movie na pinagbidahan dati ni Nida Blanca, pero nang i-Google namin, Korea lang pala ang title ng movie. Sabi pa ng source namin, pang-primetime ang Koreana at second week ng September ang start ng taping.  

Tiyak na magre-react nito ang fans ng loveteam nina Elmo at Julieann San Jose dahil matagal na nilang nire-request sa management ng Channel 7 na subu­kang bigyan ng acting project ang dalawa. Pero pang-Party Pilipinas lang yata ang loveteam nina Elmo at Julieanne at pang soap naman ang Elmo at Kylie.

In fairness, bagay sina Elmo at Kylie dahil parehong A-lister sa showbiz ang mga ama. Si Elmo ay anak ni Francis Magalona at si Kylie ay si   Robin Padilla ang ama.

* * *

Sa mga nakaka-miss kay Jiro Manio, malapit n’yo na siyang mapanood, pero sa GMA 7 na, sa Pilyang Kerubin. Tama kung ganun ang nabanggit dati ng manager ng young actor na si direk Maryo J. delos Reyes na sa Kapuso network na lalabas si Jiro.

Hindi pa namin alam ang role ni Jiro at ang istorya ng karakter niya, pero makakasama niya sina Iza Calzado at TJ Trinidad sa first guesting niya sa Kapuso network. Reunion ito nina Iza at TJ na nagtambal dati sa isang episode ng Obra ni Iza.

vuukle comment

ELMO

ELMO MA

FRANCIS MAGALONA

IZA

MARIEL

ROBIN

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with