^

PSN Showbiz

Kinikita ni Luis sa taxi napupunta

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Dalawang pelikula ang sabay na ginagawa ni Luis Manzano sa Viva Films dahil bukod sa Hating Kapatid ay may Petrang Kabayo kaya min­sa’y nalilito, at sa halip na si Sarah Geronimo, si Vice Ganda ang nababanggit na kapareha.

Inakong kasalanan ni Luis nang masilipan siya sa isang eksena ng Hating Kapatid at kahit walang nakita sa camera, may nasilip naman ang mga tao sa shooting.

“Kasalanan ko, walang may ibang kasalanan. It’s stupid, my fault. Boxer shorts ang suot ko at may gina­wa akong extra movement at ’yun na ’yun, pero less in a second lang ’yun,” paliwanag ng aktor.

Sa taxi business napupunta ang ibang kinikita ni Luis at very proud nitong ibinalitang may 72 taxi units na sila ng mga kasosyo niya sa LBR taxi na ang ibig sabihin ay Luis, Bong, at Ron. Puro Vios daw ang taxi nila at madadagdagan pa sa mga susu­nod na taon.

Samantala, sa July 21 na ang showing ng Hating Ka­patid at sa sobrang komportable ni Luis kay Sarah, nati-take six sila minsan dahil tawanan nang tawanan.

* * *

May offer pala ang TV5 kay Gelli de Belen na mag-host ng cooking show na Celebrity Cook Off, pero nata­galang mag-decide ang aktres at ang management niyang Backroom, Inc. kung tatang­gapin ang show. Nang maka­pag-decide na tanggapin ang offer, may nakuha nang ibang host.

Kung tinanggap ni Gelli ang cooking show, magkasama sana sila ng mister niyang si Ariel Rivera sa TV5 at magiging reunion din nila ni Janice de Belen na resident judge ng show.

Nang iparating ni Gelli na tinatanggap na niya ang Celebrity Cook Off, nakuha na ng Alaska sina Wilma Doesnt at Gardo Versoza na kanyang kapalit. Ang Alaska Milk na ini-endorse nina Gelli at Janice ang spon­sor ng cooking show.

* * *

Tuwang-tuwa si Ogie Alcasid sa pagpasok ng GF niyang si Regine Velasquez sa Top 10 ng FHM’s Sexiest Women at nag-number seven pa. Sa kanya lang nalaman ni Songbird na kasama siya sa Top 10 nang kanyang tawagan para iparating ang magandang balita.

’Kalurky, kapusung-kapuso pa ang number niya, number seven. I think ngayon lang siya napasama sa list ng sexiest women. Okay lang sa akin kung rarampa siya,” sabi ni Ogie.

Sa July 15 sa World Trade Center ang victory party at rampahan ng mga nanalo, pero payag ba si Ogie na mag-pose sa FHM si Regine?

“Matagal nang may offer sa kanya na mag-pose, ayaw naman niya. It’s up to her kung ano ang desisyon niya, basta naka-suporta lang ako sa kanya,” sagot ni Ogie. 

Samantala, mamaya bago mag-Langit sa Piling Mo na ang pilot ng second season ng Hole in the Wall nila ni Michael V. Sa first few episodes, mapapanood siya bilang Korean pop star na si Kim Min Yung at si Bianca naman si Michael V.

* * *

Hindi na tuloy si Jillian Ward sa bagong sit­com ng GMA 7 na Kaya ng Powers at bago pa ma­kapag-taping, na-pull out na ang bagets para makapag-concentrate sa Trudis Liit. Mahirap nga namang mapagod ito ng husto at baka maapektuhan ang performance sa soap.

Pero sabi ng manager ni Jillian na si Joe Bar­ra­meda, hindi napapagod si Jillian at kung walang taping ay naghahanap ng trabaho. Dumami rin ang imbitasyon sa bata at minsan ang mga magulang na ang naggi-give up.

Sabi rin ni Joebar, hindi pa sure kung sa Super Inday o sa Shake, Rattle & Roll 12 kasali si Jillian, basta may movie siya sa Metro Manila Film Festival.

Samantala, mamaya sa Trudis Liit, kinuha na ni Nick (Cris Villanueva) sina Ched (Maxene Magalona) at Upeng para may kasama si Trudis. Naalarma sina Honey (Pauleen Luna) sa pagdating nina Ched at may plano silang masama sa bata.

vuukle comment

CELEBRITY COOK OFF

GELLI

HATING KAPATID

JILLIAN

LUIS

MICHAEL V

OGIE

SAMANTALA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with