^

PSN Showbiz

Sex video ng isang pulitiko, dinidiskubre; Amy Austria nag-back out sa show nina Angel at John Lloyd

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga na-tense sa blind item ni Arnold Clavio tungkol sa isang kandidato na may sex video.

Walang ibinigay na clue si Papa Arnold sa radio program niya sa dzBB pero dahil nakakaloka ang blind item, marami ang nagkaroon ng interes na mala­man ang identity ng kandidato.

My lips are sealed. Ask n’yo na lang si Papa Arnold dahil siya naman ang nagbalita sa radyo, hindi ako!

* * *

I stand corrected. Finalist pa lang at hindi pa nananalo sa New York Film & Television Awards ang Planet Philippines ng GMA 7.

Sa Linggo pa ang lipad ni Richard Gutierrez sa New York dahil siya nga ang host ng Planet Philippines. Si Richard ang aakyat sa stage kung sakaling palarin na manalo ang kanyang TV documentary tungkol sa kalikasan.

Apat na araw lang ang itatagal ni Richard sa US. Hindi siya puwedeng mawala nang matagal dahil sa shooting ng In Your Eyes at isang monthly environmental show niya para sa News & Public Affairs ng GMA 7.

Ang In Your Eyes ang pelikula nina Richard, Claudine Barretto at Anne Curtis sa Viva Films.

Pinaghahandaan din niya ang pagsisimula ng Survivor Philippines : Celebrity Edition. Isang remote island sa labas ng Pilpinas ang taping location ng bagong show ni Richard na magsisimula naman sa June.

* * *

Hiyang-hiya ako sa ABS-CBN dahil nagbago ang isip ni Amy Austria. Kasusulat ko lang na balik- acting si Amy sa dalawang magandang project ng ABS-CBN pero hindi na ito matutuloy dahil pinili niya na samahan sa New Zealand ang kanyang anak na si Alex.

Na-upset ako nang sabihin sa akin ni Amy ang kanyang final decision dahil ibinigay ng ABS-CBN ang lahat ng mga request namin.

Si Amy sana ang gaganap na kontrabida sa teleserye na pagsasamahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Nakipag-meeting na siya sa ABS-CBN at na-excite nang ipaliwanag ang papel na gagampanan niya.

Nakadagdag sa excitement ni Amy si Chito Roño dahil ito ang direktor ng project. Ang ending? Nag-back out siya dahil nakapasa si Alex sa entrance exam nito sa isang university sa New Zealand. Sasamahan ni Amy ang kanyang anak sa pagpunta nito sa New Zealand dahil tutulong siya sa paghahanap ng apartment na titirhan ni Alex.

Nahihiya ako sa ABS-CBN dahil sa nangyari. Kung puwede ko nga lang iprisinta ang sarili ko na maging replacement ni Amy, gagawin ko para makabawi ako sa kanila. Papayag kaya sila?

* * *

Isinuot ko sa presscon ni Senator Mar Roxas ang aking Tropang Villar t-shirt at wala akong na­rinig na violent reaction dahil alam naman nila na si Papa Manny ang aking presidente.

Pinaghandaan ni Mother Lily ang presscon niya para kay Mar dahil nagpagawa pa siya ng AVP tungkol sa politcal career ng kanyang sinusu­por­tahan na vice-presidentiable.

Puno ang schedule ko ng Lunes dahil mula sa presscon ni Mar, nagpunta ako sa Arlington Funeral Homes dahil nakiramay ako kay Redgynn Alba, ang production unit manager ng GMA 7 na naulila sa ama.

Bukas ang libing ni Ginoong Benjamin Alba, Sr. sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

* * *

Dumiretso ako sa meeting ng Startalk, pagkagaling ko sa Arlington Funeral Homes at mula sa Startalk meeting, nagpunta ako sa joint presscon nina Senator Loren Legarda at Dante Mendoza.

True ang sinabi ni Mama Loren na never siyang nagpatawag ng presscon para manira ng kapwa.

Nagpa-presscon si Mama Loren dahil ibinalita niya sa entertainment press na malapit nang matapos at ipalabas ang Buhos, ang documentary movie na project nila ni Dante.

Award-winning director si Dante kaya tiyak na maganda ang pagkakagawa niya sa Buhos. Balak ni Mama Loren na magpagawa ng maraming kopya ng Buhos na ipamimigay niya sa 42,000 barangay sa buong bansa para lalong mag­karoon ng awareness ang mga Pilipino tungkol sa climate change.

Na-corner ako ni Mario Dumaual sa presscon at tinanong niya ako kung si Mama Loren ba ang vice-presidentiable na sinusuportahan ko? Oo ang aking buong ningning na sagot dahil nakita ko ang determinasyon ni Mama Loren na ma­katulong sa mga nangangailangan. Naniniwala ako na kailangan ng Pilipinas ng isang Loren Legarda.

vuukle comment

AKO

ALEX

ARLINGTON FUNERAL HOMES

BUHOS

DAHIL

LOREN LEGARDA

MAMA LOREN

NEW ZEALAND

NIYA

PAPA ARNOLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with