^

PSN Showbiz

Pagkatapos mag-El Nido Piolo limot na ni KC

- Ni SVA -

MANILA, Philippines -  Ay wala sa listahan ng mga pinasalamatan ni KC Concepcion sa kanyang latest album, KC, si Piolo Pascual na matagal nang nali-link sa kanya. Nagkanda-duling sa paghahanap ang mga mahi­hilig sa tsismis sa pangalan ni Papa P pero di talaga nila makita.

Nali-link ang dalawa simula nang gawin nila ang Lovers In Paris at nabalita pa silang nagbakasyon sa El Nido na inamin ni Piolo.

Pero after that, wala nang balita tungkol sa ka­nila hanggang aminin ni KC na non-showbiz ang ins­piration niya at hindi na pinag-usapan ang tungkol sa nasabing bakasyon nila.

Baka naman sa third album na lang pasalama­tan ni KC si Papa P, baka nalimutan lang.

Anyway, ang lakas ng airplay ng single niyang Not Like The Movies na carrier single niya. Maki­nig ka sa FM radio at paulit-ulit mo itong maririnig.

Nagsulat din si KC ng tatlong kanta dito - Magandang Umaga, Takip Silim and Worth The Wait.

Kuwento ni KC na ilang oras lang niyang sinulat ang mga nasabing kanta dahil natural na luma­labas ang mga ideas at hindi na niya kailangang mag-isip.

Para sa promo ng album, naga-arrange ang Sony Music ng mall tour ni KC starting next week.

Second album na niya ito sa Sony at platinum ang debut album niyang aka Cassandra.

* * *

Mukhang si Empress Schuck na ang susunod na pasisikatin ng ABS-CBN. Sinisimulan na siya. Ang say nila, si Empress ang susunod na mag­bibigay ng kulay sa telebisyon tulad ni Andi Eigenmann.

Ang baon niya kasi : hindi lang ganda, kundi galing sa pag-arte na nahasa through the years.

Handang-handa na ang bagong Empress of Drama na sumabak sa kanyang kauna-unahang major teleserye – Rosalka.

Kung sabagay, halos isang dekada rin siyang naghintay para sa sisimulan niyang Rosalka.

Tinanghal siya bilang Best Child Actress sa pelikulang unang pinagsamahan nila ni Piolo Pascual noong 2003, ang 9 Mornings. Umakting din siya sa ilang ‘di malilimutang episodes ng Ma­alaala Mo Kaya, ang certified Kapamilya royal­ty. Nagpa-impress din siya sa remake ng Un­derage.

Ngayong 2010, muling patutunayan ni Em­press ang kanyang brilyo sa pag-arte sa kan­yang unang pagbibida sa ABS-CBN. 

So hin­tayin natin kung kakagatin ng publiko si Rosalka na magsisimulang mapanood next month.

Kuba ang role na gagampanan niya rito.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BEST CHILD ACTRESS

EL NIDO

EMPRESS SCHUCK

LOVERS IN PARIS

PAPA P

PIOLO PASCUAL

ROSALKA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with