^

PSN Showbiz

Sunshine apat na buwan lang nakarelasyon ang asawa

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Lulusot at lulusot si Kris Aquino, no matter what, maitawid lang niya ang kanyang political endorsements.

Paksa ng P.O.V. segment sa The Buzz ang nag-suicide na anak ni Cesar Montano. Malalim pero klaro ang level ng pagpapaliwanag ni Boy Abun­da : Angelo’s taking of his life will always be a trauma on the bereaved family. Iba naman ang pananaw ni Kris, nangyari raw kasi ‘yon kung kailan Day One ng local campaign period ni Cesar na tumatakbo in his native Bohol.

Ang inakala kong hirap ni Cesar just when everything was already in place na ikinakatuwiran ni Kris turned out to be hyping her uncle Butz Aquino’s candidacy in Makati City. Mas mahirap daw kasi ang mangampanya sa lokal kesa sa pambansang halalan.

If I were part of the discussion, instantly I would have felt thrown out of the real world and landed on some place totally alien to me. Ano ba naman kasi ang kunek ng sinabi ni Kris sa pagpa­pakamatay ng anak ni Cesar? Buti na lang, Kuya Boy intelligently manuevered the discussion, ibi­nalik niya ang usapan sa tunay na tinutumbok nito.

* * *

Bago pala sumalang ang isang mahusay na aktres sa isang TV interview ay kumunsulta muna ito sa isang tanyag na skin and body clinic. Napa­pra­ning pa rin daw kasi ang aktres sa mga komento tungkol sa kanyang malusog na figure.

Kapuna-puna naman kasi ang “pagbabago” maging sa mukha ng aktres, kahit naka-side view siya, halatang there seemed to be awkward with her face. Ang press release daw niya, nagkaroon siya ng allergy, pero kung paano ay hindi ko na ina­lam.

All throughout the interview, I thought I was watching dear Tita Sherbet Ilacad resurrecting her recording company via a non-musical program.

* * *

Kahit anong pilit ay hindi napatayo ng Showbiz Central hosts mula sa kanyang kinauupuan ang lalaking pinakasalan ni Sunshine Dizon. Seated right next to Mommy Laforteza, tahimik lang sa bandang audience si John Timothy Ong Tan habang nakasalang si Sunshine caught in the program’s crossfire.

Maraming nilinaw si Sunshine contrary to reports about Tim, kabilang dito ang pagdedenay na isang irresponsible father ito. Isa na rin daw ganap na piloto si Tim who’ll soon fly internationally. Nagtapos din daw ito bilang cum laude.

Of Sunshine’s anecdotes, natawa lang ako sa isang bagay. Ayon sa aktres, Tim almost gave up on her dahil nahihirapan daw siya sa aktres noong nanliligaw o bagu-bago pa lang ang kanilang relasyon.

‘Yung lagay na ‘yon, mahirap na pala ‘yung apat na buwan mula relasyon hanggang maikasal?

* * *

Kahapon na nagsimula sa noontime block ng TV5 ang kanilang Koreanovelas. Airing Mondays to Saturdays ang My Wife is A Superwoman (11:45 am), First Wives Club (12:30 p.m), Smile Honey (1:15 p.m) at High Kick (1:45 p.m).

vuukle comment

A SUPERWOMAN

AIRING MONDAYS

BOY ABUN

BUTZ AQUINO

CESAR MONTANO

DAY ONE

FIRST WIVES CLUB

HIGH KICK

IF I

JOHN TIMOTHY ONG TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with