^

PSN Showbiz

Isa sa Glam Girls ayaw ni Ruffa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Controversial sa internet ang comment ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account na : “Watching Glam Girls on Party Pilipi­nas - Heart, Rhian, Lovi, Bianca, Carla. Like! Pero parang may isang miscast. Guess who?”

Kanya-kanyang hula ang mga nakabasa kung sino ang tinutukoy ni Ruffa na ‘di dapat kasama sa grupo at kanya-kanya rin silang bigay ng rason. May hula na rin kami kung sino ang ‘di bagay sa grupo, pero ayaw naming isulat ang name niya’t baka giyerahin kami ng fans ng Glam Girls member na ito. Hindi kaya dumating ang time na out na sa grupo ang girlash na ito at ilipat sa ibang group dahil sa comment ni Ruffa?

Samantala, pati sa Twitter, nagpo-promote ng Working Girls 2010 si Ruffa dahil showing na ito sa April 21 at sa Apr. 18 ang premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall.

* * *

Sa mga bagong show ng GMA 7, si Carla Abel­lana ang may two shows dahil sila ni Dennis Trillo ang mga bida sa first episode ng Love Bug na ipapalit sa Dear Friend. Second week ng April na ang taping ng dalawa sa isang cruise ship with Mark Reyes directing.

Unang nagkasama sina Dennis at Carla as hosts ng Star­Struck V, kaya hindi na sila dadaan sa ad­justment period ek-ek at aktingan na agad ito.

Si Carla rin ang bidang babae sa TV remake ng Ba­sa­hang Gin­t­o na papalit sa Ina Kasu­suklaman Ba Kita? Reunion ito nina Carla at Geoff Eigen­mann to be directed by Joel La­ma­ngan. Mapa­pasubo sa drama ang dalawa, kaya maghanda na sila.

Remake ng 1951 movie nina Alicia Ver­gel at Pancho Magalona ang Basahang Ginto at sinulat ni Mars Ravelo at tiyak, ia-update ang story nito para bumagay sa panahon ngayon.

* * *

Tuluy-tuloy na ang series of workshops at trainings ng Final 14 ng StarStruck V para mas lumabas ang kanilang potentials. Facilitated ng most respected and res­pon­sible coaches and men­tors ang workshops na ma­laki ang maitutulong sa mga bata.

Sa acting, sina direk Gina Ala­jar, Vangie Laba­lan at direk Uro dela Cruz will provide les­sons on monologues, voice acting, pro­jecting, script, & cha­racter ana­lysis, acting for comedy and interna­lization.

For hosting, si direk Freddie Santos ang mag­tuturo sa kasa­ma ng voice projection and control and camera projection. They will take voice lesson under Atek Jacinto na magtuturo ng singing fundamentals, performance skills, stage presence, musicality, and voice technique.

Ang dance workshop will be handled by Miggy Tan­chang­co and Sandy Hontiveros at sa assessment program, they will be judged by direk Joel Lamangan for acting, Douglas Nierras for dancing and Atek Jacinto for singing.

vuukle comment

ALICIA VER

ATEK JACINTO

BA KITA

BASAHANG GINTO

CARLA

CARLA ABEL

DEAR FRIEND

DENNIS TRILLO

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with