^

PSN Showbiz

Francine malaki ang galit sa staff ng Bubble Gang

- SEEN SCENE -

SEEN : Pareho na ng mannerism at pagsasalita ang mag­kaibi­gang Piolo Pascual at Mark Bautista. Unaware si Mark na nagaya na niya ang kilos at pananalita ng kanyang kaibigan.

SCENE : Ang paghagulgol ng iyak ni Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo. Medyo mahusay ang kanyang performance sa The Buzz kesa sa acting niya sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

SEEN : Kailangang maging matalino ang mga Pilipino. Hindi sila dapat magpaapekto sa mga babae na umiiyak sa TV at subtle na nanga­ngampanya.

SCENE : Hindi na tama ang madalas na pagbanggit ni Kris Aquino sa kanyang na­mayapang ina sa mga controversies na pinasok niya. Hindi lamang siya ang nag-iisang naulila sa ina sa buong mundo.

SEEN : La Bamba ang opening song ni Manny Pacquiao sa kanyang after-fight party concert sa Arlington, Texas. Walang bago sa repertoire ni Manny at ng kanyang banda.

SCENE : Ang mahabang litanya ni Francine Prieto laban sa staff ng Bub­ble Gang sa kanyang Facebook account:

“Bakit kayo ganun? Wala na nga ako diyan, umalis na ako. Di pa rin ninyo ako tinatantanan. Di ako humihingi ng tulong sa inyo. Masamang- masama ang loob ko sa show  ninyo. Isipin ninyo bakit ko nagawa ang lahat ng yun, kasi palpak naman talaga kayo eh. Walang nagtatanggol sa ken, kaya ako ang humaharap sa mga paratang sa aken. May mali kasi talaga sa sistema ninyo. Salamat sinaktan ninyo na naman ako.

“Yeah, 1st guesting ko palang sa Bubble, para na akong basura, kulang na lang sa labas na ako ipapuwesto. 2nd day ko as regular member, pinalayas ako sa pwesto ko ng asst. wardrobe. Di sila marunong mag-asikaso. Di ma­runong mag-sorry ang EP. Buti pa si Diego kahit pangit, ma­buti ang puso. Professional lang ako magtrabaho, tra­ba­ho ‘yan di gimik.

“Never ko na feel na sikat ako, kasi alam ko hindi. Hindi ako naging sakit ng ulo sa show ninyo. Staff lang, tatamad-tamad, tatanga-tanga. Puro tsismis ang alam. Nauuna pang magpa-blower kaysa sa artista, di magamit make up artist kasi nag-blower pa ng staff??? Dami kong kwento. Wala akong regrets na umalis ako, kaso tantanan na ako ng Bub­ble lalo na team ng EP. Kaibigan ko pa rin mga artista at ilang staff & crew.”

Seen : Nag-guest si Jay-R sa Wowowee isang araw pagkatapos ng pagpirma niya ng exclusive contract sa GMA7.

Naging Kapamilya ang Kapuso.

                                                         

vuukle comment

AKO

FRANCINE PRIETO

KRIS AQUINO

KUNG TAYO

LA BAMBA

MARK BAUTISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with