^

PSN Showbiz

Kampo ni Ara kinontra ang tsismis ng kapwa aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Itinanggi ng malapit kay Ara Mina ang kuwento ng isang aktres na papasok din sa pulitika ang pagkakaroon niya (Ara ng maraming bodyguard). Ikinuwento ng aktres na tulad ni Ara ay kandidata rin na nang minsang makasabay niya ito sa house-to-house campaign nagtambak ang bodyguard ni Ara.

“Ang dami niyang bodyguard samantalang dalawa lang kami ng aking kapatid (isa ring aktres) sa aming pangangampanya,” tsismis ng aktres na tulad ni Ara ay kandidata rin sa nasabing lungsod.

* * *

Maayos na nagpaalam si Jennylyn Mercado sa dati niyang ini-endorsong doctor bago siya lumipat kay Dra. Vicki Belo.

Kasama niya bilang bagong endorser si Valerie Concepcion na aminadong tamad maglagay ng lotion kaya every week ay nasa Belo Medical Clinic ito sa Morato at gumagamit ng wet and dry body treatment para sa whitening skin na ginagamitan ng Metathione na ayon kay Dra. Vicki na wala namang side effects.

* * *

Pagkatapos humirit sa takilya ang pelikulang It’s Complicated ay nakalinya na ang Up in The Air na tinatampukan ng guwapong si George Clooney sa papel na Ryan Bingham.

Tampok pa rin sina Vera Farmiga at Anna Kendrick sa Up In The Air sa direksiyon ng Oscar nominated na si Jason Reitman.

Isang handog mula sa Solar-UIP at palabas na sa Marso 13. 

vuukle comment

ANNA KENDRICK

ARA MINA

BELO MEDICAL CLINIC

DRA

GEORGE CLOONEY

JASON REITMAN

JENNYLYN MERCADO

RYAN BINGHAM

UP IN THE AIR

VALERIE CONCEPCION

VERA FARMIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with