^

PSN Showbiz

Dating LA Lopez, Lyle na ang name ngayon

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Natatandaan n’yo ba si LA Lopez, isang bata na nakilala at sumikat bilang isang singer? Pitong taong nawala sa eksena si LA at namuhay ng mag-isa sa Amerika.

Nagbabalik si LA sa bagong pangalang Lyle Lopez at co-host siya sa isang programa sa Studio 23, isang travel show na pinamagatang ETZ : Eco-Travel Zone kasama sina Maria Mustonen at Ashley Arca. Palabas ito tuwing Sabado, 9:30-10:00 NU.

Binabalikan din ni Lyle ang kanyang pagkanta at kasalukuyan siyang nagre-recording ng mga sarili niyang komposisyon na magiging laman ng bago niyang album.

Isa na ring pastor at lay minister si Lyle. Naor­dinahan siya sa Florida.

* * *

Napaka-gentleman naman ni Direk Dominic Za­pata sa kanyang dating girlfriend of eight years na si Krista Ranillo. Bagaman at ayaw niyang magsalita tungkol sa kontrobersiyal na isyu dito, sinabi niyang may dapat magsalita para maging malinaw ang isyu. Kung hindi ang ex niya ay ang manager nito.

Indifferences ang sinabi niyang dahilan ng paghihiwalay nila nung mga huling buwan ng 2009.

Tinangka pa raw nilang isalba ang relasyon pero, nabigo sila.

Pero kung malungkot siya sa nangyari sa kanila ni Krista, masaya naman siya sa takbo ng career niya sa GMA 7. Isa siya sa pinagkakatiwa­laang di­rektor ng network. Siya ang nagdidirek ng bagong kan­taserye, ang Diva ni Regine Velasquez.

* * *

Ang latest daw na nag-join sa TV5 ay si Ruffa Gutierrez. Sayang dahil okay na siya sa The Buzz.

Naka-gel na niya sina Boy Abunda at Kris Aquino. Sana nga hindi siya nagkamali ng desisyon. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil never siyang maka­kapantay ng dalawang co-host, with Kris around she will always be a poor second, and with Boy, a poor third.

Malaking intriga kapag pinagsama sila ni Cristy Fermin sa isang talk show. May kontrata na si Cristy sa TV5 at marami itong hahawakang programa.

vuukle comment

ASHLEY ARCA

BOY ABUNDA

CRISTY FERMIN

DOMINIC ZA

ECO-TRAVEL ZONE

ISA

KRIS AQUINO

KRISTA RANILLO

LYLE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with