^

PSN Showbiz

Presidente ng GMA 7 umamin, talo sa bidding ng laban ni Donaire

-

MANILA, Philippines - Nasa bansa na ang boxing champion na si Nonito Donaire. Pinatumba niya ang kalabang si Manuel Vargas sa ikatlong round na napanood sa bansa last Sunday.

Yun nga lang, sa ABS-CBN ito ipinalabas kahit alam ng lahat na alaga ng GMA Artist Center ang boksingero. Ang promoter niyang Top Rank ang nakipag-negotiate sa airing ng kanyang laban at aminado si Donaire na wala siyang say dito. Pero sinubukan nilang kausapin ang kanyang promoter, pero wala raw nangyari.

Kaya nga aminado ang presidente ng GMA 7 na si Mr. Felipe Gozon na kahit siya ay sa ABS-CBN nanood dahil exclusive ang coverage sa kalaban nilang network.

Actually, nag-bid ang GMA 7 ayon kay Mr. Gozon para sa nasabing laban ni Donaire pero sadly, natalo sila ayon mismo sa presidente ng network na kina­bibilangan ni Donaire na kasamang humarap kaha­pon ng boxing champion sa entertainment and sports writers.

Sa kasalukuyan, hawak ni Donaire ang title ng WBA Interim World Super Flyweight, IBF Flyweight, IBO World Flyweight, WBO Asia Pacific Flyweight, at NABF Super Flyweight.

At sa pagbalik niya sa bansa, magiging abala si Nonito sa kanyang showbiz career. Siya muna ang mapapanood sa Show Me Da Manny, ang comedy show ni Manny Pacquiao na kasalukuyan namang abala sa kanyang ensayo para sa nalalapit niyang laban.

Pero hindi naman daw tuluyang aangkinin ni Nonito ang nasabing programa dahil pagkatapos ng laban ni Pacman ay magsasama na sila sa nasabing programa.

Bukod sa Show Me Da Manny, may mga naka-line up na guestings ang boksingero sa Kapuso shows.

Mapapanood siya sa SOP, Startalk, and Showbiz Central ngayong weekend.

Ang asawa niyang si Rachel ang nagsisilbing personal manager ni Nonito. Ito usually ang nakiki­pag-negotiate para sa kanya. Sa huling laban ni Nonito, ang nag-market para mas maraming maka­panood ay ang kanyang esposa.

At kahit si Mrs. Donaire, willing mag-showbiz dahil hindi lang basta pagni-negotiate sa mga projects ng asawa ang puwede nitong gawin. Pag kinuha raw siyang leading lady ng asawa, hindi siya tatanggi.

Halos langgamin ang paligid sa tuwing magka­sama ang mag-asawang Nonito at Rachel.

Say nga ng boksingero, kailangang nakatingin siya sa kanyang asawa tuwing kakanta siya. SVA)

vuukle comment

ARTIST CENTER

ASIA PACIFIC FLYWEIGHT

DONAIRE

FELIPE GOZON

INTERIM WORLD SUPER FLYWEIGHT

MANUEL VARGAS

MR. GOZON

NONITO

SHOW ME DA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with