^

PSN Showbiz

Nanay ni Dingdong gusto na forever si Marian para sa anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ikakasal na pala sa February 28 si Ryan Eigen­mann sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Excited na si Gina Alajar sa nalalapit na pagpa­pakasal ng kanyang panganay at magiging lola na rin siya. Matagal nang nakaplano ang kasal ni Ryan pero nabuntis ang kanyang girlfriend noong December 2009.

Ang sabi ni Gina, maselan ang pagbubuntis ng manugang niya at looking forward siya sa nalalapit na pagdating ng kanyang apo.

Uuwi ng Pilipinas si Michael de Mesa para dumalo sa kasal ni Ryan. Matagal nang nag-migrate si Michael sa Amerika pero hindi siya puwedeng mawala sa importanteng araw sa buhay ng kanyang eldest son.

I’m sure, aabangan ng mga reporter ang pagdating ni Michael para ito naman ang tanungin tungkol sa nakaraan nila ni Krista Ranillo.

* * *

Botong-boto kay Marian Rivera ang nanay ni Dingdong Dantes na si Angeline Dantes. Ang sey ng madir ni Dingdong, okey sa kanya na si Marian ang maging forever na kasama sa buhay ng anak niya.

Pero itinuwid ni Angeline ang news na ipinagluluto ni Marian ang kanyang pamilya. Si Dingdong daw ang ipinagluluto ng girlfriend nito at pinadadalhan din sila.

Habang binabasa ninyo ito, tapos na ang concert nina Marian at Dingdong sa Middle East. Baka papunta na sila sa Spain para bisitahin ang tatay ni Marian. Hindi lang ang kanyang fadir ang gustong makita ni Marian. Excited din siyang ma-meet uli ang kanyang mga Espanol na lolo at lola sa father side dahil siya ang unang apo.

* * *

Matatapos na ang Starstuck V sa February 21 at gaganapin ang final night nito sa Araneta Coliseum.

Live ang Starstruck mamayang gabi dahil isa uli ang magpapaalam kaya patindi nang patindi ang kumpetisyon ng mga contestant na natitira.

Watch n’yo mamaya ang Starstruck dahil siguradong kapana-panabik ang mga eksena na inyong matutunghayan.

* * *

Pabor si Christopher de Leon na magbalik sa Pilipinas si Nora Aunor. Para kay Boyet, it’s about time na umuwi ng bansa ang kanyang ex-wife.

Ang tanong, handa na ba si Nora na magbalik-bayan eh parang mas type niya ang mamuhay sa Amerika? Ang alam ko, may concert si Nora sa Canada kaya kung talagang gusto niyang umuwi ng Pilipinas, puwedeng-puwede dahil nakakapunta nga siya sa ibang bansa!

* * *

Maraming salamat sa mga dumalaw sa akin sa ospital at sa mga nagpadala ng flowers and fruits.

Maraming salamat kina Senator Manny Villar, Senator Loren Legarda, Bong Revilla, Aileen Go ng Sisters Napkin at ang kanyang mister, Mark Herras, Ida Henares ng Artist Center, Perry Lansigan, Butch Racquel, Rubby Sy ng Flawless, Dra. Vicki Belo, Shirley Pizarro, Butch Francisco, Jun Lalin, Salve Asis, Gorgy Rula, Jojo Gabinete, Belinda Felix, Ricky Lo at si Annabelle Rama na isa sa mga unang dumating sa ospital.

A million thanks to Dr. Florante Munoz, ang mahusay na doktor ng FEU Hospital na gumamot sa akin. Thank you rin sa lahat ng mga nurse ng FEU Hospital sa Fairview, QC.

Sa mga nalimutan ko na pasalamatan, sa next issue na lang!

vuukle comment

AILEEN GO

AMERIKA

ANGELINE DANTES

ANNABELLE RAMA

ARANETA COLISEUM

ARTIST CENTER

KANYANG

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with