^

PSN Showbiz

Direk na may misis may kalaguyong lalaki

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Natatawang ikinuwento ng isang showbiz insider ang tungkol sa kilala niyang sila­histang direktor na may papa. Matagal na rin ang kanilang relasyon kung saan ibinabahay nito ang kanyang lover boy na siyempre ay lingid sa kaalaman ng kanyang misis.

“Parang pampelikula ang pangyayari dahil one time ay may bakanteng lote dun sa tinitirhan ng mag-lover. Akalain mong natanaw ni direk na kasalukuyang nasa lovenest nila ng kanyang papa ang misis na tinitingnan ang bakanteng lote (dahil mayaman si misis) at interesadong bilhin ang bakanteng lupa. Namroblema si direk dahil magiging kapitbahay pa nila ang misis niya at katapat pa ang ka­ni­lang lovenest ng kanyang papa,” kuwento ng source.

Mabuti na lang daw at natapos ang problema ni direk dahil hindi natuloy ang bilihan ng lupa. Nag-back out ang kanyang misis.

* * *

Sumusumpa ang adviser ng Kimerald na si Mynne Mesa na accounting head ng Solar Enter­tainment na wala pa talagang relasyon sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Mag-best friend lang daw ang dalawa for four years now. Super sweet lang ta­laga sila sa isa’t isa ayon pa kay Mynne.

Sa presscon kasi ng Paano Na Kaya? ay may nag­ta­nong sa real score ng dalawa. At ipinipilit nilang bestfriends lang talaga sila.

Pero sa bandang huli ay umamin din si Gerald na tu­­maas na ang level ng friendship nila at sinabing MU (mutual understanding) sila ni Kim, pero wala silang commitment. Meaning, puwedeng tumanggap ng manliligaw ang aktres. Kaso ayon naman kay Kim, wala namang nanliligaw sa kanya.

Opening salvo ng Star Cinema ang Paano Na Kaya? na mapapanood sa January 27, 2010 sa direksiyon ni Ruel Bayani.

* * *

Makakasabay naman ng Paano Na Kaya? ang pelikulang Vampires Assistant na tatampukan ng bagets na si Chris Masoglia ng The Hole. Bilang vampire trainee, sumali siya sa isang touring sideshow ng mga kakaibang creatures gaya nina Snake Boy, Wolfman, Madame Truska, at higanteng Mr. Tall. At habang natutuklasan nito bilang si Darren Shan ang mga bagong ka­pangyarihan sa mundo ng kadiliman ay dahan-dahan naman siyang naging pain sa pagitan ng mga vampires. Palabas na ang fantasy-adventure movie sa January 27, 2010 mula sa Solar-UIP.

vuukle comment

CHRIS MASOGLIA

DARREN SHAN

GERALD ANDERSON

KIM CHIU

MADAME TRUSKA

MR. TALL

MYNNE MESA

PAANO NA KAYA

RUEL BAYANI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with