^

PSN Showbiz

Nora problema ang tirahan kaya 'di makauwi

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bago pa umuwi ng bansa si Lotlot de Leon ay na­kausap ko na si Guy (Nora Aunor). In fact, hindi lamang naman ako ang tinawagan kundi ang marami niyang kaibigan sa media. Sinabi niyang uuwi siya, wala lang definite date pa, the only definite is she’s coming home!

May mga problema lang na kinakaharap si Guy sa kanyang pag-uwi. Una na ay ang kan­yang tutulu­yan. She can not impose naman on her children dahil alam naman natin na ku­makayod din ng husto ang kan­yang mga anak.

Puwede naman siyang mag-stay sa hotel pero kung magiging mahaba-haba ang kan­yang stay dito, baka may mga tanggapin siyang tra­baho dahil I’m sure marami ang nagha­­hangad na makuha ang kan­yang serbisyo, sa pelikula man, TV o concerts, magi­ging madugo naman ang bayaran.

Meron naman akong condo na maipapahiram sa kanya but Guy is not too proud na tumanggap ng ganitong tulong, lalo’t hindi niya alam kung gaano siya katagal mananatili ng bansa. The same kung ooperan siya ng kanyang mga anak na tumuloy muna sa kanila.

Ito ang kanyang inaayos ngayon. Okay na ang life niya sa US, simple but, she’s happy and com­fortable. Yun nga lang, nami-miss niya ang mga anak niya’t apo dito sa ating bansa.

She can get a house pero sayang naman kung sandali lamang siya. But it’s definite she’s coming home. Walang eksaktong petsa. So­sorpresahin na lang niya tayo.

* * *

Malaking balita yung pagko-collapse ni Big Brother ng PBB. Marami siyang fans, hindi la­mang ang PBB. Kinailangang dalhin siya ng os­pital dahil sa sobrang pagod.

Siyempre, magtataka tayo kung paano ba siya napapagod dahil hindi naman natin siya na­ki­kita. Ni hindi rin natin siya kilala. May iba ba siyang trabaho bukod sa pagiging Kuya sa PBB?

Ganun ba ka-stressful yung pag-iisip niya ng mga ideya ng ipaga­gawa sa mga house­mates? Bakit hindi siya kumuha ng mga katu­long, creative team na makakatulong niya sa pag-iisip?

Kung sabagay, kailangang isaalang-alang niya ang pagiging top rater ng kanyang prog­rama. Kaila­ngang mamintina niya ito. Baka ito ang nagbibigay sa kanya ng matinding stress. ‘Di kaya, Kuya?

* * *

‘Di kaya nababahala ang mga taga-It’s Show­time kay Rosanna Roces? Madalas ka­sing maraming kuma­ka­walang mga salita mula dito na hindi ipinahi­hintulot na marinig sa tele­bisyon, lalo’t sa ga­nung oras. Hindi naman taped ang show kaya ang mga ganung salita ay biglaan lamang, ni hindi maaring remedyuhan.

‘Di kaya nila puwedeng kausapin si Osang para maiwasan na malagay sa hot seat ang show na napakabilis ng pagtaas ng ratings? Ibig sa­bihin lang, marami ang nanonood nito at ma­rami ang maiimpluwensiyahan ng hindi ma­ga­­gandang salita na tulad ng nasabi ni Osang.

* * *

Parang Buhay Artista pala yung Nobody Nobody… But Juan. Yung role nina Dolphy at Panchito being played by Epy Quizon and Vandolph.

Ang gagaling ng dalawang anak na ito ni Dolphy. Manang-mana sa kahusayan ng kanilang ama. Sayang at ‘di sila nabibigyan ng mga proyektong mag­papa­malas ng ka­ni­lang mga talento.

Maski si Sahlee, ang nag-iisang anak na babae ni Pidol ay maganda pa rin despite the years. Sayang at hindi nito pinursue ang pag-aartista. She could have made it!

Naalala ko ang Clover Theater nang mapanood ko ang peli­kula. Nakasabay ko rin naman ang ma­raming artista nung nagsi­si­mula pa lang ako, una bilang janitor sa Clover at nang magtagal bilang komedyante sa Sampaguita Pictures. Naka-relate ako sa pelikula.

vuukle comment

BIG BROTHER

BUT JUAN

CLOVER THEATER

NAMAN

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with