^

PSN Showbiz

Pero parang birhen pag nagsalita, aktres baliw pagdating sa lalaki

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nagri-reprint pala ng December issue ang S Magazine. Cover sa nasabing issue ang pamilya Gutierrez na matagal bago napa­payag na ipakita ang kanilang bonggang bahay sa Dasmariñas Village in Makati.

Maraming curious na makita sa nasabing issue lalo na ang bachelor’s pad ni Richard na may glass floors at nasa ilalim ang koi pond (na ang daming malalaking fish). At instead na malaking bed, mas pinili ng actor ang divan.

Meron din silang swimming pool na super cute na number 8 ang naka-design sa floor.

Nasa nasabi ring magazine ang room ng dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin and Venice.

Pero pinaka-bongga ang showroom ng mamahaling bag ni Tita Annabelle Rama. More than 100 pieces ang naka-display at bilang na bilang daw ito ni Bisaya na karamihan sa mga nasabing bag ay regalo ng kanyang mga anak at mga kaibigan.

Ayon sa nasabing article, may six Hermes bag ang nanay nina Ruffa at Richard na nagkakahalaga ang isa ng around P500,000 each na naka-display sa kanyang cabinets and walk-in closets.

Favorite daw ni Tita Annabelle ang Chanel, Louis Vuitton, Prada, Valentino, Fendi, Gucci, Ferragamo, at ibang branded bags.

Si Ruffa naman ay ipinakita ang kanyang collection ng designer shoes na binili sa abroad – Christian Dior, Manolo Blahnik, Jimmy Choo, Givenchy, Prada, Dolce and Gabbana, Giuseppe Zannotti, Michael Kors, Valentino, Christian Louboutin and Louis Vuitton. Na-mention ni Ruffa na ang pagko-collect ng mga designer shoes ang isang bagay daw na pareho sila ng dating asawang si Yilmaz Bektas.

Get kayo ng copy. Kasi parang nakapasok na rin kayo sa house nila na natatandaan kong na-mention noon ni tita Annabelle na plano rin nilang ibenta dahil lilipat sila sa dati nilang bahay sa White Plains.

* * *

Maraming naloloka sa ugali ng isang aktres. Pagdating daw sa lalaki talagang lukring ito. Ginagawa ang lahat makuha lang ang gusto. Pero pag kinausap mo naman daw parang matimtimang birhen.

Saka aligaga raw ang babaeng ito.

Imagine ‘pag wala raw itong ginagawa sa bahay, hindi ito mapakali. Kaya kahit walang magda-drive sa kanya, kesehodang magta-taxi lang, walang pakialam tuloy daw ang gimik nito.

Ilang aktor na raw ang dumaan sa kamay ng aktres na ito na infairness ay maganda naman at type ng maraming aktor dahil wild daw sa bed.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CHRISTIAN DIOR

CHRISTIAN LOUBOUTIN AND LOUIS VUITTON

DAW

DOLCE AND GABBANA

GIUSEPPE ZANNOTTI

JIMMY CHOO

LOUIS VUITTON

MANOLO BLAHNIK

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with