^

PSN Showbiz

Sino ang magwawagi sa puso ni Rosalinda?

-

MANILA, Philippines - Pag-ibig ang mananaig sa huling gabi ng ma­kulay na buhay sa telebisyon ni Rosalinda sa GMA Tele­babad.

Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Ro­sa­lin­da (Carla Abellana) para makasama ang prince charming niyang si Fernando Jose (Geoff Ei­gen­mann). Pero kahit nagmamahalan, hindi boto sa ka­nila ang ina ni Fernando Jose na si Valeria (Sheryl Cruz). Dumating naman sa buhay ni Rosalinda si Alex Durantes (Jomari Yllana), ang taong tumulong kay Rosalinda nang magka­roon ng amnesia ang huli. Hin­di lingid sa lahat na mahal ni Alex si Rosalinda at ga­­gawin nito ang lahat makuha lang ang dalaga.

At ngayong nailigtas ni Alex si Rosalinda sa pani­­bagong tangkang pagpatay ni Valeria sa buhay nito, may pag-asa na kaya ito sa puso ng singer? Sa pag-pro­pose ni Alex kay Rosalinda ng kasal, tanggapin kaya nito ang alok ni Alex? Umiibig na nga ba si Rosalinda kay Alex?

Hahayaan ba ni Fernando Jose na mapunta sa iba ang nag-iisang babae sa buhay niya? Mapaibig pa kaya ni Fernando Jose si Rosalinda lalo’t alam ng huli na si Valeria ang gustong mag­papatay sa singer? At kanino nga ba magpapa­kasal si Rosalinda – kay Alex o kay Fernando Jose?

vuukle comment

ALEX

ALEX DURANTES

CARLA ABELLANA

FERNANDO JOSE

GEOFF EI

JOMARI YLLANA

ROSALINDA

SHERYL CRUZ

SHY

VALERIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with