^

PSN Showbiz

Rhian kumanta para sa casual online game

-

MANILA, Philippines - Busy ngayon si Rhian Ramos bilang isang re­cording artist (yup, kumakanta na rin siya) mata­pos i-launch ng X-Play Online Games, Inc. (X-Play) at Bellhaus Entertainment, Inc. ang kan­yang singing career sa Audition Dance Battle dance album.

Pinatunayan daw ni Rhian ang kanyang talent sa pagkanta ng You, ang carrier single ng 15-track dance album ng Audition Dance Battle, isang sikat na online casual game na may millions of players worldwide. Ang Audition Dance Battle ay inilalabas ng X-Play, ang joint venture company ng GMA Network, Inc., ang digital media arm na GMA New Media, Inc. (GMA NMI) at ang leading online gaming publisher na IP E-Game Ventures, Inc. (E-Games).

“It’s been such a great year for me. Sobrang dami kong blessings na nakuha this year. I wanted talaga to be able to give something new to everyone who supported me. This year, singing was it,” pahayag ni Rhian noong official launch ng album sa SOP, na naging double celebration dahil binigyan din siya ng isang birthday special sa naturang episode.

Ang album launch ni Rhian sa SOP ang naging premiere rin ng official mu­sic video ng You na directed by Jeff Tan ng Bellhaus Entertainment, Inc.

May mga eksena sa video ang aktres na nasa party kasama ang mga ibang Kapuso stars na sina Sheena Halili, Dominic Roco, Vaness Del Moral, ang recording artist na si Brenan, at ang mga players ng Audition Dance Battle. May sosyal na eksena rin sa video na nakasakay si Rhian sa isang eleganteng helicopter at may classic na city background.

“We’ve all worked so hard to make this album happen, and I thank the Audition family na talagang pinaghirapan yung album,” sabi ni Rhian.

Audistas ang tawag sa mga naglalaro ng Audition Dance Battle, na paborito ang kanta ni Rhian na You sa lahat ng mga puwedeng sayawin sa loob ng game, kaya naging No. 1 na rin ang kantang ito sa mga players nitong mga nakaraang linggo.

“My song is featured inside the game and soon, I will have my own avatar (character) in the game, which means you can dance (online) pero ako ‘yun,” pagbibida pa ni Rhian.

Pinapatugtog na ang You sa mga radio stations at music channels.

Ang album ay may kasama rin na game guide for Audition Dance Battle at isang “in-game premium item” known as the Angel Prince/ Princess of Love wing set.  

vuukle comment

ALBUM

ANG AUDITION DANCE BATTLE

ANGEL PRINCE

AUDITION

AUDITION DANCE BATTLE

BELLHAUS ENTERTAINMENT

DANCE

DOMINIC ROCO

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with