^

PSN Showbiz

Bagong bahay ni Jaya nailigtas ng mga katulong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi pa man lumalabas ang official statement ng GMA 7 sa kaso ni Sunshine Dizon, nag-leak na sa press ang nilalaman noon. “Pagpa­pa­hingahin” daw ang ginamit na word kung bakit papalitan ang aktres sa role ni Lorna sa Tinik Sa Dibdib.

Nakalagay din daw sa official statement na pati sa Starstruck V ay ‘di na rin kasali si Sunshine na isa sana sa tatlong council members. Pati ang name ni Nadine Samonte na kapalit ni Sunshine sa Tinik Sa Dibdib ay nakasulat daw.

Hanggang sinusulat namin ang kolum na ito, hindi pa rin inilalabas ang nasabing official statement. Baka nga totoo ang nasagap naming bibigyan hanggang bukas si Sunshine na magdesisyon kung babalik pa o hindi na sa taping ng series. (Nakahabol sa deadline ang official statement ng GMA 7 pero iba sa nag-leak sa media kahapon. - SVA)

Hindi ma-interview si Nadine sa pagpalit niya kay Sunshine dahil sa October 18 pa ang balik mula sa Germany kung saan binisita ang ama at paternal grandmother.

* * *

Sa Vista Real Angono nakatira si Jaya at ang kanyang pamilya at malaki ang pasasalamat nito na hindi inabot ng baha ang bahay na bago palang nilipatan. Kasama sa pinasasalamatan ng singer ang mga kasambahay na naiwan na kahit inanod ang mga sariling bahay, hindi pa rin pinabayaan ang bahay nila.

Ang bait-bait daw ng Diyos sa kanila at bilang pasasalamat pa rin, sasali siya sa Kaya Natin Ito fund-raising concert sa December 5, para sa biktima nina Ondoy at Pepeng. Nasa Amerika sina Jaya nang bahain ang Metro Manila, kaya triple ang kanyang pag-alala.

Anyway, masaya si Jaya na finally labas at nabibili na ang 14-cut second album niya sa GMA Records na Real.Love.Stories with Hiding Inside Myself as its carrier single. Dedicated sa husband niyang si Gary at mga anak na sina Gavin, Sabriya, at Dylan ang I Won’t Last A Day Without You. Six months pregnant si Jaya nang i-record ang album, pero sa album cover lang halata na dyuntis siya.

* * *

Ayaw ng away ni Akihiro Sato, kaya ayaw mag-react sa isyung pinagselosan siya ni Phil Younghusband at rason ng away nina Phil at manager nitong si Joyce Ramirez. “Hindi ko alam, hindi ko alam ang whole story” at “magkaibigan kami” ang sagot nito nang usisain namin sa isyu nang ma-interview sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Moshi, Moshi, I Love You  nila ni Rufa Mae Quinto at mapapanood simula ngayong Huwebes.

Maraming kissing scenes sina Akihiro at Rufa Mae sa Moshi, Moshi, I Love You, pero ang aabangan ng mga bading ay ang eksenang topless ang binata at ‘dun sa eksenang naliligo siya na naka-underwear.

Hindi rin nito sinagot ang diumano’y sabi ni Phil na hindi sila magka-level dahil focus siya sa trabaho. Going places si Akihiro na sabi’y papasok din sa Darna at madadagdagan pa tiyak ang show sa GMA 7 depende sa reaction ng viewers sa kanya.

Nakatutuwa ang rason kung bakit mas pinili ni Akihiro na sa ‘Pinas manirahan kahit five years siyang nag-stay sa Thailand at tig-one year sa Hong Kong at China. Bukod sa naging kom­portable agad siya rito, Catholic country tayo at Catholic din siya at hindi nga naman siya mahihirapang maghanap ng simbahan.

vuukle comment

AKIHIRO

AKIHIRO SATO

CINEMASERYE PRESENTS MOSHI

HIDING INSIDE MYSELF

I LOVE YOU

JAYA

MOSHI

SIYA

TINIK SA DIBDIB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with