^

PSN Showbiz

Mga biktima ni Ondoy nag-iyakan sa kanta ni Gary V

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa sagot na “I’m not the right person to answer that,” itinuro kami ni Richard Gutierrez sa co-produ­cers niyang GMA Films at Viva Films para sagutin ang tanong kung magpo-promote ng Patient X sa shows ng GMA 7 si Cristine Reyes at kung siya ay magpo-promote sa shows ng ABS-CBN dahil October 28 na ang showing ng movie.

Ang alam ni Richard, may ginagawang promo plan si Anette Abrogar at gagawa sila ng paraan kung paano mapo-promote ang pelikula sa two networks. Viva Artists Agency talent si Cristine, pero may kontrata rin siya sa Channel 2 na pipigil para lumabas siya sa Channel 7.

Ang Thanksgiving presscon nga nila ni Richard ay sa Kaboom Restaurant ginawa, in front of GMA Network, neutral ground ika nga. Aabangan namin kung saan gagawin ang big presscon ng pelikula sa first week ng October.

Naghahanda na rin si Richard sa taping nila ni Heart Evangelista ng Full House sa second week ng October. Si Mark Reyes ang director nito at makakasama nila ni Heart sina Patrick Garcia sa role ni Luigi at Isabel Oli sa role ni Lorraine.

Natutuwa ang actor na iba’t ibang genre ang projects niya dahil kung horror ang ginagawang movie, rom-com naman ang FH.

***

Kung si Richard Gutierrez ay speedboat ang ginamit to rescue Cristine Reyes, si Jericho Rosales ay surfboard ang gamit para ma-save ang sampung katao kabilang ang matatanda sa Loyola Grand Villas na malapit sa bahay niya.

Noong Martes, nasa Riverside na nasa border ng Pasig at Cainta si Jericho kasama sina Gary Valenciano, at mga anak nitong sina Gab at Kiana Valenciano at tumulong sa 700 Club Operation Blessing Group para mag-distribute ng relief goods.

Nagpakain din sina Gary at Kiana ng Arroz Caldo sa mga biktima ni Ondoy sa tulong nina Dra. Kim Pascual at John Tan. Kumanta si Gary ng Tayong Dalawa at Natutulog Ba Ang Diyos? at nag-iyakan ang tao.

***

May Thanksgiving merienda mamaya sina Ogie Alcasid at Michael V. para sa box-officesuccess ng Yaya and Angelina : The Spoiled Brat Movie. Malalaman natin kung magkano na ang gross ng pelikula, at kung may planong sequel ng movie ang APT Entertainment at GMA Films dahil gaya nang sinabi ni direk Mike Tuviera at ni Michael V, malayo pa ang mapupuntahan ng istorya nina yaya at ni Angelina.

***

Ngayong Thursday sa Rosalinda, sa presscon na ipinatawag ni Alex (Jomari Yllana), i-a-announce ang engagement nila ni Rosalinda na ikinagulat ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) at susugurin ang babae at hahalikan.

Hindi makapaniwala si Fernando Jose na pareho ang halik nina Paloma at Rosalinda at ‘di ito makakapayag na mapunta si Rosalinda kay Alex. Kikidnapin ni FJ si Paloma.

vuukle comment

ALEX

ANETTE ABROGAR

ANG THANKSGIVING

ARROZ CALDO

CRISTINE REYES

FERNANDO JOSE

KUNG

MICHAEL V

RICHARD GUTIERREZ

ROSALINDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with