^

PSN Showbiz

TV host-actor gustong ikama ang ka-gym mate

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

 Magsu-showbiz na ang babaeng gym mate ng isang sikat na TV host-actor at kuwento nito sa mga nilapitan para makapasok sa showbiz na tuwing nagkikita sila sa gym, lagi siyang niyayayang mag-sex ng TV host-actor. Pati sa Facebook, ganundin ang gimik ng binata, hindi nga lang outright na “let’s have sex” ang sinusulat, pero nagpapahaging na type siyang mai-kama.

Sa tsikang ito ng girlash, pinatunayang babaero ang TV host-actor at ginagamit ang kasikatan para makapambabae. Hindi nakuwento ng babae kung napagbigyan na niya ang matagal na hinihingi sa kanya ng TV host-actor.

* * *

Nabalitang gagawin ni Diether Ocampo ang remake ng Ang Tatay Kong Nanay na unang ginawa ni Dolphy kasama si Niño Muhlach. Una nang naba­litang gagawin ni Michael V. ang the same project, to be directed by Mark Meily at produced ng APT Entertainment.

Kinumpirma ni Michael V. na nakausap namin sa set ng Spoiled Brat na the same project ang tinutukoy, hindi na nag-elaborate at sinabi lang na hindi sila nagkasundo ni direk Mark. Sabi ni Michael V, kung gagawin niya ang remake, makukumpara siya kay Dolphy at ang paniwala niya, ’di magiging effective dahil wala nang gagaling pa sa Comedy King.

“Gusto kong makasama si Dolphy, pero ibang story at may idea na ako. Nag-request na ako kay Mr. Tony Tuviera na pagsamahin kami. Tingnan natin dahil nag-sign ako ng three-picture contract sa kanila na gagawin ko after Spoiled Brat,” balita ni Michael V.

Tiniyak pala nina Michael V. at Ogie Alcasid na iba sa napapanood kina Angelina at Yaya sa Bubble Gang ang mapapanood sa Spoiled Brat para walang sawa factor ang audience. New jokes, new punchline ang mapapanood sa pelikula.

* * *

Mamaya na pala ang pilot ng Celebrity Duets 3 hosted by Ogie and Regine at sa December, may shows sila sa Scandinavia, Finland at Sweden at wish ni Ogie na ma-extend ang stay nila para maka­pagpahinga at makapagmuni-muni.

* * *

Escort ni Eugene Domingo si Piolo Pascual sa press preview ng Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) at isa rin ang aktor sa apat na producers ng movie na showing sa Sept. 2. Before the screening, ibinalita ni Piolo na showing sa 90 theaters nationwide ang first venture ng kanilang Spring Films Productions na distributed ng Solar Films.

vuukle comment

ANG TATAY KONG NANAY

BUBBLE GANG

CELEBRITY DUETS

COMEDY KING

DIETHER OCAMPO

DOLPHY

EUGENE DOMINGO

KIMMY DORA

MICHAEL V

SPOILED BRAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with